Maymay Entrata, pinatunayang hindi lamang siya magaling umawit at umarte kundi achiever din siya sa eskwelahan

Maymay Entrata, pinatunayang hindi lamang siya magaling umawit at umarte kundi achiever din siya sa eskwelahan

Paano nga ba nagagawa ng iba ang mag-excel sa dalawang larangan?

Credit: @maymay Instagram

Simula nang pinasok ang showbiz, talagang todo ang effort na ibinibigay ni Maymay Entrata sa pagpapamalas ng kanyang husay at galing sa pag-arte. Dahil sa kanyang nakakabilib na skills sa acting, marami na rin siyang pinagbidahan at kinabilangang teleserye at pelikula katulad na lamang ng “Princess DayaReese,” “Hiwaga ng Kambat,” “Hello, Love, Goodbye,” at “Fantastica” kung saan ay nakasama niya ang iilan sa mga bigating artista sa mundo ng entertainment.

Maliban sa pagiging aktres, sumabak din si Maymay sa pagmomodelo. Surely, marami sa kapwa niya artista ang nagmo-model din ngunit bibihira lamang sa kanila ang naiimbitahan sa sikat na fashion shows sa ibang bansa. Dahil sa extraordinary na talento ni Maymay pagdating sa pagpo-pose, naging bahagi siya sa Arab Fashion Week noong taong 2018.

Bago sumali sa “Pinoy Big Brother” at kalaunan ay pinasok ang industriya ng showbiz, isang normal at “average” na estudyante lamang umano sa kolehiyo si Maymay. Bagama’t malaki na ang kinikita niya ngayon bilang isang aktres slash modelo, nais pa rin niyang makapagtapos ng pag-aaral at maabot ang matagal na niyang pangarap na magkaroon ng diploma.

Credit: @maymay Instagram

Tunay nga sa kanyang determinasyon na makapagtapos sa college, hindi kailanman naging pabaya si Maymay sa kanyang pag-aaral kahit madalas ay pagod siya sa pagtatrabaho. Sa katunayan, hindi lamang niya maayos na napagsasabay ang kanyang edukasyon at pag-aartista dahil patuloy din siyang nag-eexcel sa parehong larangan.

Credit: @mitchelleneous Twitter

Kumakailan lamang nang nagbahagi si Maymay sa kanyang IG story ng screenshot sa official na lista ng mga pangalan ng honor students sa kursong Technology Communication Management. Makikitang kabilang ang aktres sa Third Honors na may 1.750 GPA kaya naman abot-langit ngayon ang kasiyahang nararamdaman ng kanyang fans.

Credit: @maymay Instagram

Sino ba naman kasi ang hindi bibilib kay Mary Dale Entrata o mas kilala ng karamihan bilang si Maymay? Mahusay na nga sa larangan ng pag-arte at isa pang professional na modelo, napakatalino din niya!

Pamilyar tayong lahat kung gaano kahirap pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral pero mas lalo itong mahirap para sa mga celebrities na sobrang busy sa kanilang araw-araw pero nagawa pa rin ni Maymay na mag-excel at maging honor student!

Dahil sa nakakabilib na performance ni Maymay sa eskwela, talagang naging inspirasyon siya para sa kanyang fans.

Congratulations, Maymay!

Ysha Red

error: Content is protected !!