Mela at Stela Francisco, natuwa nang nakita ang kanilang mukha sa isang store sa mall!

Inosente to da max! Sino nga ba ang mag-aakala na ang mga batang nagsimula sa mga katagang, “I love chicken nuggets” at “It’s so asim. It’s so sarap” ay wala palang kamalay-malay sa kasikatang tinatamasa nila?
Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram
Para sa mga bata, enjoyment talaga ang kanilang tanging goal. Ginagawa lamang nila ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kanila pero tila’y sobrang celebrity-like naman ng paraan ng mga chikiting ni Melai Cantiveros at Jason Francisco na sina Mela at Stela dahil nagdulot lang naman ito sa kanila ng spotlight at fame!
Sa successful na career ng MelaSon sa showbiz, natural lamang na included ang kanilang mga anak sa kanilang kasikatan pero taliwas sa expectation ng karamihan na simple lamang na makikilala sina Mela at Stela bilang “celebrity kids” dahil sila lang naman mismo ang bumuo sa kanilang reputation sa showbiz.
Bagama’t busy man sa kani-kanilang career, malaki naman ang pagpapahalaga ng couple na si Melai at Jason sa pagkakaroon ng quality time kasama ang kanilang mga anak at isa na nga sa madalas nilang bonding ay ang pagmu-mukbang pero ang noo’y simpleng mukbang moment ng pamilyang Fransisco ay nagsilbing breakthrough ng kanilang mga chikiting upang mas makilala ng netizens.
View this post on Instagram
Simula nang nag-viral ang iconic na linya ni Mela at Stela na “I love chicken nuggets” at “It’s so asim. It’s so sarap” plus ang kanilang meme-worthy na expressions, nagtuloy-tuloy na talaga ang projects at opportunities na kanilang natatanggap. Marami na rin silang dinaluhan na TV show katulad ng “It’s Showtime,” “ASAP Natin ‘To,” “Magandang Buhay” at marami pang iba. Maliban sa mga ito, kaliwa’t kanan din ang kanilang natatanggap na endorsements pero sa kabila ng achievements na ito ni Mela at Stela, tila’y wala naman silang kamalay-malay na sikat pala sila kaya ganoon na lamang sila ka-shookt nang nakitang nakabalandra ang kanilang mga mukha sa ad poster ng isang fashion brand sa mall.
Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram
Sa pamamasyal ng mag-iina sa mall, nadaanan nila ang isang ad poster sa labas ng isang clothing store kung saan ay featured silang dalawa. Sa realization ni Mela at Stela sa kanilang kasikatan, nakaguhit talaga ang gulat at bilib sa kanilang mga mukha habang pinagmamasdan ang ad na mapapanood sa video na ibinahagi ni Melai sa Instagram. Sa kasiyahan at excitement na nararamdaman, napatalon-talon talaga si Stela habang inatake naman ng kilig si Mela.
“Di makapaniwala aking Ate at Baby na nasa Mall mukha nila 😍😍😍 Cute nmn mga mahal ko ui,” sulat ni Melai sa kanyang caption.
Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram
Sa post na ito ni Melai, marami sa kapwa niya celebrities ang nagpaabot ng pagbati sa achievements ni Mela at Stela katulad na lamang nina Sherilyn Tan, Zeus Collins, Geneva Cruz, Samantha Bernardo, at Regine Angeles. Marami rin sa netizens ang natuwa sa genuine na reaksyon ng mga chikiting nang nakita ang kanilang ad poster sa mall sa pinakaunang pagkakataon.
Credit: @mrandmrsfrancisco Instagram
Sa kaliwa’t kanang opportunities na natatanggap ng magkapatid na Francisco, marami sa netizens ang umaasang mas magkakaroon pa sila ng exposure at makapagbahagi pa ng good vibes sa lahat.