Melai Cantiveros, kopyang-kopya ang look ni Regina sa “Darna” series!

Melai Cantiveros, kopyang-kopya ang look ni Regina sa “Darna” series!

Sa larawang ibinahagi ni Melai Cantiveros sa Instagram kumakailan lamang ay tiyak na malilito at mapapatanong ka na lamang kung sino nga ba sa kanila ni Janella Salvador ang tunay na Regina sa “Darna” series dahil napakatindi lang naman ng kanilang pagkakahawig!

Credit:ย @mrandmrsfrancisco Instagram

Simula nang nakilala natin si Melai Cantiveros sa “Pinoy Big Brother: Double Up” noong 2009 ay masasabi talaga na isa siyang embodiment ng nakakatawang mga joke dahil sa kanyang angking talento sa pagpapatawa at pagbibigay ng kasiyahan. Sa kabuuan ng kanyang career sa mundo ng showbiz, hindi talaga siya kailanman nabigo na pagaanin ang ating loob dahil tunay nga naman kasing nakakatanggal ng stress ang bawat kalokohan niya.

Simula pa man noong PPB days hanggang pinasok na nga niya ang industriya ng showbiz, nananatili talaga si Melai sa tuktok ng kanyang career bilang isang multi-talented na aktres. Habang tumatagal ay mas lalo lamang na kapansin-pansin ang angking kagandahan ng komedyante dahil nito lamang nakaraan, agaw-pansin talaga ang kanyang striking na beauty.

Sa update ni Melai sa Instagram kumakailan lamang, ibinahagi niya ang kanyang larawan kung saan ay makikitang kopyang-kopya niya ang buhok ni Regina sa teleseryeng “Darna” na kasalukuyang ginagampanan ng kapwa niya aktres na si Janella Salvador.

Credit:ย @mrandmrsfrancisco Instagram

“Goodnight EveryOne๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜๐Ÿ˜˜,” sulat ni Momshie Melai sa kanyang caption.

Dahil sa kanyang pagkakahawig kay Janella Salvador, kaagad naman itong napansin ng kapwa niya celebrities na puring-puri sa beauty ni Melai.

“Pretty!!!!๐Ÿ’•” papuri ni Eric John Salut.

“FRESH!!!!!!!” bonggang sey ng vlogger at komedyante na si Mimiyuuuh.

Credit:ย @mrandmrsfrancisco Instagram

“Janella Teyyyy?๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜,” komento ni Boobay.

“Grabe?!?!” ayon naman kay Bianca Gonzalez.

“Beautiful๐Ÿ˜,” komento naman ni Maxene Magalona.

Maliban sa kanila ay nag-iwan din ng positobong mga komento sina Geneva Cruz, Darla Sauler, Loisa Andalio, Chie Filomeno, at marami pang iba.

Credit:ย @mrandmrsfrancisco Instagram

Matatandaan kumakailan lamang nang nabanggit ni Melai sa “Magandang Buhay” na bet na bet umano niya ngayon ang karakter na ginagampanan ni Janella Salvador sa “Darna” na si Regina. Dahil sa matindi niyang pagkahilig sa karakter ay inamin niyang ito umano ang inspiration niya sa kanyang look ngayon kaya kapansin-pansin talaga ang resemblance niya nito.

Sa Regina-inspired look ngayon ni Melai Cantiveros, sino ba naman ang hindi mapapatulala sa kanyang kagandahan na tunay nga namang pak na pak ang paggaya niya nito.

Ysha Red

error: Content is protected !!