Mga anak ni Ruffa Gutierrez na sila Venice at Lorin, muling nakasama ang kanilang ama matapos ang 15 taong pagkawalay

Mga anak ni Ruffa Gutierrez na sila Venice at Lorin, muling nakasama ang kanilang ama matapos ang 15 taong pagkawalay

Kahit ilang taon man ang lumipas, hindi pa rin mapapalitan o mababawasan ang pagmamahal ng mga anak sa kanilang mga magulang dahil kahit na’y pisikal man na magkalayo sa isa’t-isa, wala talagang makakagiba sa connection at bond sa pagitan ng isang magulang at mga anak.

Credit: @venicebektas Instagram

Marahil ay marami ang hindi naniniwala na imposible na manatiling mabuti ang connection ng isang magulang at mga anak kapag malayo sa isa’t-isa ngunit sa pamamagitan ng constant na communication, matagumpay naman ang iilan katulad na lamang ng mga anak ni Ruffa Gutierrez at ang kanilang Daddy na si Yilmaz Bektas na 15 taong magkawalay sa isa’t-isa pero sa kabila ‘nun, nananatili naman ang kanilang magandang relationship.

Sa latest na update ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya na matapos ang 15 taon, sa wakas ay nagkita nang muli ang kanyang mga anak at ang kanilang ama na si Yilmaz Bektas.

Credit: @venicebektas Instagram

Sa video na ibinahagi ng aktres, mapapanood kung paano sinurpresa ng yakap ni Yilmaz Bektas sina Lorin at Venice sa airport. Sa kanilang pangungulila sa isa’t-isa, hindi nila napigilan ang emosyon habang mahigpit na nakayakap sa isa’t-isa.

“The greatest love story of all time is between a father and his daughters. ❤️ A beautiful and heartwarming reunion after 15 years of being apart,” kuwento ni Ruffa.

Sa kanilang sweet at nakaka-touch na reunion, marami sa netizens at celebrities ang natuwa dahil sa wakas, reunited na ang Gutierrez sibs sa kanilang pinakamamahal na ama.

Credit: @venicebektas Instagram

“🥹 so happy for you girls 🤍,” sabi ni Sarah Lahbati.

Ayon naman kay Almira Muhlach, “Happy for the girls!!! So precious!!”

Hindi rin naitago ng kapatid ni Ruffa na si Raymond Gutierrez ang kanyang emosyon at nagkomento ng, “Made me tear up. So happy for them! ❤️”

“Wahhhhhhh so so special,” sabi ni Stephanie Zubiri.

Credit: @venicebektas Instagram

“Happy for you ❤️,” saad ni Cristina Gonzalez.

Kahit na’y maliliit pa lamang simula nang nawalay ang magkapatid na si Lorin at Venice sa kanilang ama, lumaki naman silang mababait at maunuwain. Bagama’t magkahiwalay man ng 15 taon, open arms naman nilang sinalubong ang isa’t-isa.

Ysha Red

error: Content is protected !!