Mga larawan ng anak ni Ryza Cenon na si baby Night, kinagiliwan ng mga netizen!

Sinakop na ni baby Night ang Instagram feed ng kanyang Mommy Ryza Cenon!
Credit: @iamryzacenon Instagram
Halos hindi maka-get over ang mga netizens sa labis na kacute-an ng anak ni Ryza Cenon na si baby Night. Sinakop na ng anak ng aktres ang kanyang Instagram feed na talaga namang nagbibigay ngayon ng kakaibang happiness sa mga followers nito.
Credit: @iamryzacenon Instagram
Hindi lamang good looks ang namana ni baby Night sa kanyang Mommy Ryza dahil pati ang pagkamasayahin na personalidad nito ay namana rin niya. Base sa mga larawang ibinabahagi ng aktres sa Instagram ay masasabing tandem na sila kung maituturing dahil parating present si baby Night sa lahat ng ginagawa ng kanyang Mommy.
Updated ang fans ni Ryza sa bawat milestone ng kanyang anak dahil wala siyang sawang nagbabahagi ng mga larawan ni baby Night sa social media. Simula nang dumating si baby Night sa buhay ng aktres ay proud na proud niyang ibinabahagi sa publiko ang improvements ng anak.
Credit: @iamryzacenon Instagram
Hulyo 29 nang nagbahagi ng larawan si Ryza kung saan ay makikitang nasa pool sila ni baby Night. Marami rin ang nakapuna sa cuteness ni baby Night habang nakasuot ito ng Dory-inspired outfit na pang-swimming.
Pati sa pagwo-workout ay kasama rin ng celebrity mom si baby Night. Hindi naman maitatanggi na sobrang “Mommy and son goals” ang kanilang ginagawa.
Marami rin ang nanggigigil kay baby Night sa tuwing nakakatulog ito. Ayon sa mga larawang ibinabahagi ng aktres kung saan ay makikitang nakakatulog ng mahimbing si baby Night kahit nakaupo sa kanyang stroller ay masasabi na isa siyang “sleepyhead”.
View this post on Instagram
“Lovely lazy sunday morning to everyone.☺️😴” caption ni Ryza kalakip ng larawan ng anak kung saan ay muli itong nakatulog sa kanyang stroller.
“Iba naman position nya matulog. 😂🤣😅 go lang anak kung saan ka comfortable. 😉”
View this post on Instagram
Pati ang pagka-photogenic ni Ryza ay namana rin ng kanyang anak. Hulyo 2 nang nagbahagi ang aktres sa Instagram ng mga larawan kung saan ay parang modelo si baby Night habang nakasuot ito ng jumpsuit at beret hat.
“Pa cute kagat labi pose.😍☺️🥰 @iamnightcruz”
Credit: @iamryzacenon Instagram
Of course, muling pinuno ng mga netizens at kapwa celebrities ang comment section ng mismong post.
“Oppa Night.. nangnang loves you!!!” Komento ng asawa ni Keann Cipriano na si Chynna Ortaleza.
“Ang cute 😍😍😍😍” gigil na sabi ni Angelika Dela Cruz.
Credit: @iamryzacenon Instagram
Baby pa nga ay hindi na maitatangging sikat na personalidad na si baby Night sa Internet. Mula sa mga nakakaaliw na videos at nakakagigil na mga larawan ni baby Night ay hindi niya binigo ang mga taong patuloy na sumusubaybay sa kanya.