Mga netizen, kinilig sa naging Q&A nina Heart Evangelista at Chiz Escudero sa isa’t isa

Talagang may pagmamahalan pa rin na patuloy na pinagtitibay ng panahon. Katulad na lamang nina Heart Evangelista at Sorsogon Governor na si Chiz Escudero na hanggang ngayon ay may nananatiling kilig at tunay na pagmamahalan kahit anim na taon na ang nakakalipas simula nang sila’y ikasal.
Credit: @iamhearte Instagram
Talagang nagkakagulo ang netizens sa tuwing nagkakasama sa iisang vlog ang mag-asawang Heart at Governor Chiz dahil sa kanilang usapan na talagang humahaplos sa puso ng netizens.
Kumakailan lamang nang nagpunta sa Balesin ang couple upang magkaroon ng “mini honeymoon”. Parehong busy at minsan lamang na nagkakasama, talagang sinulit ng mag-asawa ang bawat oras nila nang magkasama.
Mula sa kanilang food trip, pagpapa-treatment, at pamamasyal sa beach, talagang walang sinayang na pagkakataon ang mag-asawa. Maliban dito, naglaro rin ng “Never Have I Ever” sina Heart at Chiz na talagang pumatok sa netizens.
Credit: @iamhearte Instagram
“Should we do like a Never Have I Ever?” tanong ni Heart na sinang-ayunan naman kaagad ni Chiz.
“Yes, of course. I’ve lied many many times. Actually, my whole life,” sagot ni Heart matapos matawa nang tinanong ng asawa kung minsan na ba siyang nagsinungaling tungkol sa pagsho-shopping.
Maliban sa kanilang pag-uusap tungkol sa politika, napag-usapan naman ng couple ang tungkol sa kanilang relasyon.
Ibinahagi rin ni Heart na minsan na niyang naisip na makipag-break kay Chiz noon dahil palagi umano niya itong ginagawa sa ex-boyfriends niya sa tuwing nagkakaroon ng problema sa kanyang parents.
Credit: @iamhearte Instagram
Nang tinanong kung “hate” ba ni Chiz ang LDR, pinuri ng netizens ang kagandahan ng sagot ni Chiz.
“Of course, who wouldn’t? Anyone would. Wala naman sigurong tao sa mundo na ‘pag mahal mo, gusto mo, LDR kayo. Maliban na lang kung hindi mo na mahal o hindi kayo nagkakasundo, in which case that’s the only thing that preserves the relationship the fact that you don’t see each other and fight less,” sagot ni Chiz.
Nang napag-usapan ang tungkol sa pagseselos, ayon kay Heart, hindi umano siya ang “selos type” na babae.
“I’ve always had a crush on him because of the way he spoke and how intelligent you are,” pag-amin ni Heart kay Chiz.
Credit: @iamhearte Instagram
Hindi naman naiwasan ng netizens na makaramdam ng kilig sa naging usapan ng couple at dahil dito, inulan ng mga positibong komento ang mismong vlog ni Heart sa YouTube.
Credit: @iamhearte Instagram
Talagang pinatunayan ni Governor Chiz na hindi lamang niya nakuha si Heart sa angking kagwapuhan at karisma dahil nagawa nitong mabihag ang puso ng asawa sa katalinuhan at malakas niyang paninindigan sa bawat binibitawang salita.