Mga netizen, nagulat nang malaman ang kursong tinapos ni Jason Abalos

Mga netizen, nagulat nang malaman ang kursong tinapos ni Jason Abalos

Kailan nga ba tayo makakaranas ng glow up? Sa pagtungtong natin sa kolehiyo, mas marami na ang mga mahihirap na subjects, proyekto, at requirements. Hindi na rin biro ang bawat exam dahil talagang may malaking impact ang mga ito sa ating grades pero sa kabila ng struggle, determinado talaga tayo na makapagtapos at ma-achieve ang pinapangarap nating degree.

Credit:Β @thejasonabalos Instagram

Sa maraming taon na pamamalagi ni Jason Abalos sa industriya ng showbiz bilang isa sa mga matagumpay at tinitingalang aktor sa kanyang generation, sinu-sino nga ba ang nakakaalam sa dating siya? Marahil ay iilan lamang kaya nang nagbahagi siya ng lumang larawan sa social media, talagang hindi naiwasan ng karamihan na magulat dahil graduate pala siya sa kursong Engineering!

Lahat naman ng kurso sa kolehiyo ay mahihirap at isa na sa mga ito ay ang Engineering dahil foundation ng course na ito ay Mathematics na may complex at advanced na mga formula. Of course, hindi naman basehan ang katalinuhan sa Math dahil importante rin ang ating determinasyon na matuto katulad na lamang ni Jason na aminadong naghirap umano siya ngunit dahil sa kanyang dedication, matagumpay naman siyang nakapagtapos sa kursong Civil Engineering.

“Nababakas mo ba sa mukha ng batang to kung gaano kahirap ang mathematics? πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ ,” pahayag ng aktor sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang graduation pic sa Instagram.

Credit:Β @thejasonabalos Instagram

Sa ibinahagi niyang lumang larawan, mapapansin ang kanyang kagwapuhan ngunit kung ikukumpara ito sa kanyang mga larawan ngayon, talagang napakalaki ng kanyang ipinagbago.

Sa comment section, nagpahayag naman ng kakulitan ang netizens na sobrang naaliw sa dating larawan ng aktor. Iilan lamang sa mga ito ay:

“Halata din pala sayo na hirap sa math? πŸ˜‚”

“My pinagdadaanan mupa ba kayo sa mga panahon na to idol? 😁gaano po kayo kadalas mg puyat nito at d kumain ✌🏼✌🏼✌🏼”

Credit:Β @thejasonabalos Instagram

“nakalimutan magpagupit.. πŸ˜‚ pero gwapo pa din”

“Kaya pala ganyan buhok mo paps @thejasonabalos medyo naging kulot kakakamot sa ulo yan pag math ang subject.πŸ˜‚πŸ˜‚”

Marahil ay marami ang nahihiyang ibahagi ang kanilang mga lumang larawan sa social media ngunit para kay Jason, sobra naman siyang proud dahil napakalayo na ng kanyang narating sa buhay. Isa pa, malaki ring bahagi sa kanyang buong pagkatao ngayon ang dating siya.

Minsan man na naghirap sa Math, proud graduate naman sa kursong Civil Engineering!

Ysha Red

error: Content is protected !!