Mga video ng anak ni Anne Curtis na si Dahlia Amelie, kinagiliwan ng netizens dahil sa cuteness at kakulitan nito

Mga video ng anak ni Anne Curtis na si Dahlia Amelie, kinagiliwan ng netizens dahil sa cuteness at kakulitan nito

Madalas na hanap ng netizens sa social media ay kasiyahan na talagang magpapagaan sa iniisip na mga problema. Bagama’t marami mang iba’t-ibang nakakatuwang videos, wala pa ring tatalo sa kainosentahan at kakulitan na hatid ng mga bata.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Simula nang ipinakilala nina Anne Curtis at Erwan Heusaff ang baby girl nila na si Dahlia Amélie sa publiko, sinusubaybayan at tinututukan na siya ng netizens. Maliban sa namanang good looks sa mga magulang, kilala rin si baby Dahlia bilang isang makulit na bata.

Natural lamang para sa isang bata ang pagiging malikot pero wala ring kakupas-kupas ang good vibes na hatid nito sa netizens.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Kumakailan lamang nang nagbahagi ang isang Anne Curtis fanmade YouTube channel ng compilation ng nakakagiliw na videos ng anak ni Anne. Sa labis na kakulitan ni baby Dahlia Amélie, halos hindi maka-get over ang fans at paulit-ulit itong pinapanood dahil talagang nakakagaan sa pakiramdam.

Marami naman ang humanga sa mga bagay na nakakaya ng gawin ni Dahlia. Marunong na siyang kumain nang hindi masyadong umaasa na subuan pa ng kanyang Mommy Anne at Daddy Erwan.

Maliban sa pagkahilig niya sa mga pagkain, ipinapamalas na rin ni Dahlia ang kanyang talento pagdating sa pagluluto at madalas na tinutulungan ang kanyang Daddy Erwan sa paghahanda ng mga sangkap na gagamitin.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Of course, dahil isang taong gulang pa lamang, natural na ang pagkahilig ni Dahlia sa paglalaro. Makulit at malikot, talagang itinutuon ng kanyang mga magulang ang buong atensyon nila kay baby Dahlia.

Kinagiliwan din ng netizens ang pagtatago ni Dahlia sa likod ng magkakapatong na unan sa kanilang sofa at hindi talaga umimik hanggang sa nahanap siya ng kanyang Mommy Anne.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan ang pagiging hands-on nina Anne at Erwan sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa anak. Masasaksihan sa mga larawan at videos na ibinabahagi ng mag-asawa sa kani-kanilang Instagram accounts ang bonding nila bilang isang masayang pamilya.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Hindi maka-move on sa kakulitan ni baby Dahlia Amélie, nagpahayag ng mga papuri ang netizens sa comment section ng mismong video.

“Nakakasmile naman panuorin. Ang dami na nyang alam gawin.”

“Ang cutie naman ni Dahlia!!! ❤❤❤”

Credit: @annecurtissmith Instagram

“Cute at bait naman ni Dahlia❤️ Galing narin nya humawak ng kutsara, wow independent na sya sa pagsubo. Very good dahlia.”

“She’s a cutie. She can feed herself good job 👏🏼”

“Dahlia is really smart…she’s growing fast and learning quickly. She’s a good eater too. Adorable!🤗♥️”

Ysha Red

error: Content is protected !!