Mickey Ferriols, ibinunyag ang sekreto sa likod ng malaking ibinawas ng kanyang timbang

Isa sa mga pinu-problema ng mga kababaihan na dumaan sa pagbubuntis ay ang paglaki ng kanilang timbang. At kabilang lamang ang aktres na si Mickey Ferriols sa mga inang nahirapang tanggapin ang pagbabago sa kanilang katawan lalong-lalo na sa kanilang timbang pagkatapos manganak.
Credit: Pinoy MD on GMA Public Affairs YouTube
Nitong October 23 lamang, sa programang Pinoy MD ay ikwenento ni Mickey na pagkatapos niyang ipanganak ang kanyang unico hijo na si Brent ay kaagad niyang napansin ang mga pagbabago sa kanyang katawan.
Pag-amin pa niya, dumating siya sa puntong labis siyang nanlumo dahil sa kanyang timbang na noong mga panahong iyon ay umabot sa 175 lbs. o halos 80 kilos. Maging ang isinusuot ding damit ni Mickey ay dumoble nga ang laki pagkatapos niyang manganak.
Credit: Pinoy MD on GMA Public Affairs YouTube
“Dumaan ako sa depr3ssion na parang ‘Dati naman hindi naman ganito itsura ko. (laughs) Ano ‘tong double chin na nakikita ko ngayon? Dati wala naman ito…’Yung mga bilbil bigla silang nag-a-appear; dati wala,” pagbabahagi pa ni Mickey.
Ang nagtulak nga kay Mickey para simulan ang kanyang weight loss journey ay ang mga pagbabago sa kanyang katawan lalong-lalo na sa kanyang timbang.
Credit: Pinoy MD on GMA Public Affairs YouTube
Para makamit naman ang kanyang weight goal ay sinimulan ni Mickey na baguhin ang kanyang lifestyle. Regular umano siyang nag-eehersisyo. Bukod dito, nilimitahan din niya ang pagkain niya ng mga pagkaing mataas sa carbohydrates.
Credit: Pinoy MD on GMA Public Affairs YouTube
Hanggang sa nagbunga ang mga ginagawang ito ni Mickey at dalawang buwan lamang mula nang simulan niya ang kanyang weight loss journey ay napansin na niya ang pagbabago sa kanyang timbang. Masayang ibinahagi ni Mickey na mula sa XL, medium na lamang umano ang size ng mga damit niya ngayon.
Credit: Pinoy MD on GMA Public Affairs YouTube
“Ang ginawa ko, ‘yung old clothes ko na hindi ko masuot–‘yung mga jeans na magkagalit na magkagalit, ayaw na nila mag-abot, ‘yung buttons–dun ko tiningnan. Teka muna. Eh bakit parang kasya pa isang tao ngayon dito?'” saad ni Mickey.
“Doon ko na-realize na, ‘Oh, wait a minute. I am losing weight,” dagdag pa niya.
Credit: Pinoy MD on GMA Public Affairs YouTube
Samantala, ilan sa mga ginagawang ehersisyo ni Mickey ngayon para maging fit at healthy ay weighted crunches at leg raises.
Credit: Pinoy MD on GMA Public Affairs YouTube
Matatandaang taong 2006 ay isinilang ni Mickey ang kanyang unico hijo na si Brent na bunga ng pagsasama nila ng kanyang dating asawa na si comedian-actor Archie Alemania.