Miho Nishida, proud na ikwinento ang ginagawa niya ngayon bilang empleyado ng aesthetic salon sa Japan

‘Adjust, adjust, adjust’. Ito ang susi upang masanay tayo sa mga pagbabagong nangyayari sa ating buhay ngunit sadyang napakadali lamang nitong sabihin pero super hirap gawin.
Credit: @real.miho_nishida Instagram
Hindi naman common para sa mga sikat na personalidad sa showbiz ang makitang nagtatrabaho na para bang isang normal at average na tao ngunit simula nang dumating ang p@ndemya, marami rin sa kanila ang nawalan ng opportunities at proyekto. Isa na nga sa mga ito ay si Miho Nishida na mas piniling iwan ang buhay niya bilang isang artista upang magtrabaho sa ibang bansa.
Nang ekslusibong nakapanayam sa ‘Kapamilya Update Interview’ ang aktres nito lamang Biyernes, January 21, ibinahagi ni Miho ang buhay niya ngayon sa Japan.
Nanalo sa Pinoy Big Brother 737 noong 2015 at isa sa mga sikat na aktres sa lokal na industriya ng showbiz, marami ang halos hindi makapaniwala sa trabahong pinagkakaabalahan ngayon ng aktres ngunit base sa kanyang paraan ng pagkukuwento, masasabi namang sobrang saya at proud siya sa ginagawa.
“Ang work ko dito sa Japan ay aesthetic salon. Ang ginagawa ko ay nagpapaganda ako ng tao like tayong mga babae, tinutubuan tayo ng buhok sa kili-kili. Ang ginagawa ko dun ay para siyang waxing pero ang maganda dun, hindi na siya tutubuan ng buhok, para hindi na siya mag-shave. Gumagawa din kami ng pampapayat. Kumbaga gumagamit kami ng machine para pumayat,” pagkukuwento ni Miho tungkol sa kanyang work.
Credit: @real.miho_nishida Instagram
Binanggit din ng aktres ang kanyang anak na ngayon ay kasama niya sa Japan at kasalukuyang nag-aaral. Ibinahagi rin ni Miho na masaya siya ngayon sa piling ng kanyang boyfriend na isa umanong businessman.
Sa loob ng dalawang taong pananatili niya sa Japan, aminado naman si Miho na patuloy pa rin siyang nag-aadjust at kahit na’y dito siya lumaki, hindi pa rin niya maiwasang manibago lalo na’t ilang taon din siyang nanirahan sa Pilipinas at nag-aartista.
“Kahit bansa ko ‘to siyempre parang naninibago ako kasi nga five years din ako sa Pilipinas nag-aartista. Kumbaga talagang nanibago ako sa buhay ko na nag-work ako na parang normal na tao,” pag-amin ni Miho.
Credit: @real.miho_nishida Instagram
Sobrang kakaiba man ang kanyang trabaho at lifestyle kumpara noong una, super saya naman si Miho sa napili niyang simpleng buhay sa Japan.
Credit: @real.miho_nishida Instagram
Talaga nga namang walang eksaktong definition ang kasiyahan. Nararamdaman lang natin ito ng kusa kasama ang mga mahal natin sa buhay.