Mikael Daez, ipinasilip ang kaganapan sa BTS ng “Running Man PH”

Mikael Daez, ipinasilip ang kaganapan sa BTS ng “Running Man PH”

Sa kabila ng mga teleserye na ipinapalabas sa telebisyon, kinakailangan din natin ng mga palabas na paghuhugutan natin ng tuwa dahil matapos natin makiramdam sa bawat scene ng sinusubaybayan nating drama ay importante rin na mapahalakhak tayo sa tawa dahil sa nakakaaliw na TV shows.

Credit: @mikaeldaez Instagram

Sa sobrang laganap na impluwensya ng Korean shows ay hindi na talaga bago para sa pandinig ng karamihan ang seryeng “Running Man” kung saan ay sumasabak sa iba’t-ibang challenging na mga laro ang lahat ng manlalaro at upang ma-capture ang bawat pangyayari ay talagang kuhang-kuha sa camera ang tagumpay at pagkabigo ng players pati na rin ng kanilang hilarious na mga pinaggagawa habang nasa proseso ng laro kaya labis talagang tinututukan ng karamihan ang bawat episode ng nasabing palabas.

Kung noon ay Korean celebrities ang ating napapanood na naglalaro at nagbibigay ng katatawanan sa “Running Man,” ngayon naman ay matutunghayan na natin sa nasabing show ang iniidolo nating Pinoy celebrities.

Matatandaan nito lamang nakaraang mga buwan ang balitang magkakaroon ng PH version ang “Running Man” at September ngayong taon nang ipinalabas ang pinakaunang episode nito na kaagad namang dinumog ng Pinoy fans lalo na’t sobrang perfect ng casting.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

Simula nang ipinalabas ang show sa Philippine TV, nakasubaybay talaga ang mga manonood sa bawat episode ng “Running Man PH” lalo na’t habang tumatagal ay mas nagiging mahirap at challenging ang bawat laro. Sa loob ng mahigit apat na buwan, matagumpay talaga na napasaya ng casts ang lahat pero kinakailangan na rin nilang magpaalam dahil sa pagwawakas ng unang season nito lamang ika-18 ng December.

Credit: @mikaeldaez Instagram

Sa conclusion ng season 1, hindi talaga pinalampas ni Mikael Daez na ipasilip sa “Running Man PH” fans ang madalas na kaganapan sa likod ng kamera.

Sa in-upload na reel ng aktor sa Instagram nito lamang bago ay mapapanood ang compilation sa tulog version ng kapwa niya “Running Man PH” casts na talaga namang kinaaliwan ng kanilang fans dahil tunay nga naman kasing hindi biro ang kanilang ginagawa.

Ayon kay Mikael, sa loob ng 16 hours ay wala umano silang tigil sa pagsabak ng games kung kaya’t sa tuwing may bakanteng oras ay talagang bumabawi sila ng pahinga at tulog na masasaksihan naman sa video na ibinahagi niya sa IG.

Credit: @mikaeldaez Instagram

Ngayong exposed na sa publiko ang kaganapan sa BTS ng show, pare-parehong umamin ang lahat ng casts sa “Running Man PH” na sinusulit na nila ang pagtulog bilang paghahanda sa Season 2 na talaga namang ikina-excite ng kanilang fans.

Ysha Red

error: Content is protected !!