Minimalist na concept sa property ni Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa Rizal, bet na bet ng netizens!

Minimalist na concept sa property ni Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa Rizal, bet na bet ng netizens!

Marami na tayong napanood na house tour ng mga celebrity pero tila’y ang ultimate fave natin ngayon ay ang minimalist na property ni Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa Rizal dahil sa pangmalakasang aesthetic na vibe nito!

Credit: Jennylyn Mercado YouTube

Sa panahon ngayon, mas bet talaga ng mga kabataan ang aesthetic kaya naman sa unang pagpapasilip ng Kapuso power couple na si Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa kanilang “mountain hideaway” sa Rizal ay pasadong-pasado talaga ito sa vibe check ng karamihan.

Sa vlog na ibinahagi ng couple sa kanilang Youtube channel, ipinasyal nila ang kanilang mga manonood sa kanilang “mountain hideaway” na gawa lahat sa container. Binubuo itp ng kanilang main house at guest room na parehong may balcony, staff room, at ng kanilang greenhouse.

Upang ma-occupy ang buo nilang area at para maiba naman sa nakasanayan, napagdesisyunan ng couple na ipaghiwa-hiwalay ang quarters at hindi naman sila nabigo dahil makikita naman kung gaano kaganda ang resulta nito.

Credit: Jennylyn Mercado YouTube

“Itong mountain hideaway namin ay magkakahiwalay. Kung mapapansin niyo, gawa sa container,” sabi ng aktres.

Sa kanilang main house, may kanya-kanyang kwarto ang kanilang mga anak na sina Dylan, Jazz, at Calix. Pagbabahagi ni Dennis, binubuo umano ng tatlong containers na 40 ft ang unang palapag at dalawang containers naman sa ikalawang palapag.

Sa pagpapasilip naman nila sa kanilang guest room, kumpleto naman ito ng gamit at appliances. Ang mas sosyal pa nito ay ang pagkakaroon ng projector imbes na TV kung saan pwede silang makapag-browse sa kahit anong gusto nilang panoorin.

Credit: Jennylyn Mercado YouTube

Sa balcony naman ng kanilang main house at guest room ay makikita ang napakagandang view ng Laguna de Bay. Maliban nito, perfect din ang area na ‘to sa panonood ng sunset!

“Grabe ‘yung view! Kahit gaano ka kapagod galing trabaho, nakaka-relax,” sabi ni Jennylyn.

Nilinaw din ng couple ang common na misconception ng karamihan sa mga bahay na gawa sa containers at ito ay ang pagiging mainit nito pero ayon sa kanila, well-insulated at maayos naman ang pagkakagawa samahan pa ng malamig na klima sa kanilang lugar.

Credit: Jennylyn Mercado YouTube

Sa episode na ito sa YouTube channel ng couple, hindi lamang ang kanilang “mountain hideaway” ang na-appreciate ng netizens dahil sobra din silang na-touch sa hangout sesh ng buong pamilya sa huling bahagi ng vlog kung saan ay magkakasama silang nanood sa papalubog na araw.

Perpektong area para sa napakagandang pamilya indeed!

Ysha Red

error: Content is protected !!