‘Mirror Selfie’ ni Megastar Sharon Cuneta, umani ng maraming komento mula sa netizens

‘Mirror Selfie’ ni Megastar Sharon Cuneta, umani ng maraming komento mula sa netizens

Isa si Sharon Cuneta sa mga artista sa Philippine showbiz na mula noon magpahanggang ngayon ay nagniningning pa rin.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Binansagan bilang “Megastar” si Sharon sa showbiz dahil sa kahanga-hangang tagumpay na kanyang natamo bilang isang magaling na aktres, mang-aawit at host.

Ilan lamang sa mga matagumpay na pelikula ni Sharon ay “Bukas Luluhod Ang Mga Tala”, “Bituing Walang Ningning”, “Maging Sino Ka Man”at “Pangako Sa’yo”.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Samantala, sinusundan din ng marami ang makulay na buhay ni Sharon, sa likod man o harap ng kamera.

Noong nakaraang Mayo lamang ay ginulat ni Sharon ang marami matapos niyang ianunsyo ang kanyang pag-alis sa bansa para magpunta sa Amerika na hindi kasama ang kanyang asawa na si Senator Kiko Pangilinan at anak na si Miel.

Sinabi noon ni Sharon na kaya siya aalis dahil kailangan niyang huminga, kolektahin ang kanyang sarili at magpalakas.

At kamakailan nga ay nag-post si Sharon ng tila isang life update sa kanyang Instagram. May caption na “hello” ang larawan na ipinost ni Sharon kung saan makikita siyang masaya at komportable suot ang kanyang simpleng pambahay na damit.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Ngunit bukod sa kasiyahan na kapansin-pansin sa mukha ni Sharon, marami rin ang nakapansin sa kanyang pagpayat.

Looking s3xy at fit nga si Sharon sa kanyang mirror selfie na siyang umani naman ng maraming komento mula sa netizens. Komento pa ng ilang netizens:

“Payaaaatttt!!!! [emojis] I am inspired…will bring out my workout clothes from the baul now @reallysharoncuneta”

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

“Grabe s3xy ni @reallysharoncuneta oh!!! Bongga!!! Kaka inspre!!!”

“Balik alindog indeed!”

“Wow! Miss Sharon ano po secret nyo. Payat na kayo”

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Talaga namang saan mang aspekto, mapa-acting, pagkanta o pagdating man sa pangangalaga sa ating sarili lalo na sa ating kalusugan ay maituturing na isang inspirasyon si Sharon.

Base naman sa latest Instagram updates ni Sharon, hanggang ngayon ay sinusulit pa rin niya ang kanyang pananatili sa Amerika kasama ang ilang kapamilya at kaibigan.

Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Hindi naman malinaw sa ngayon kung kailan babalik ng Pilipinas si Sharon o kung permanente na ba ang kanyang pagtira sa Amerika.

Ysha Red

error: Content is protected !!