Miyembro ng Boyband PH na si Tristan Ramirez, ikinasal na!

Miyembro ng Boyband PH na si Tristan Ramirez, ikinasal na!

Congratulations sa bagong kasal!

Credit:Β @boyband_tristan Instagram

Kabilang sa sikat na grupong Boyband PH, talagang kinahuhumalingan si Tristan Ramirez ng mga kababaihan dahil sa kanyang angking kagwapuhan at talento pagdating sa pagkanta at pagsayaw ngunit nabihag na ng nag-iisang babae ang kanyang puso.

Tatlong taon na ang nakakalipas simula nang naging magkasintahan sina Tristan at IA dela Cruz, ang kapatid ng MYX VJ na si Ai dela Cruz pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin na pinagtitibay ng panahon ang kanilang relasyon.

Credit:Β @boyband_tristan Instagram

Ilang taon namang nagsasama, buhay na buhay pa rin ang kilig at pagmamahalan sa pagitan nina Tristan at IA hanggang sa napagdesisyunan ng dalawa na i-level up na ang kanilang relationship.

Hulyo 4 ngayong taon nang nag-propose ang Boyband PH member na si Tristan sa girlfriend kung saan ay natanggap niya ang matamis na “yes” ni IA.

Credit:Β @boyband_tristan Instagram

“She said yes, again! @iadelacruz πŸ’πŸ‘©πŸ»β€β€οΈβ€πŸ‘¨πŸ»,” sulat ni Tristan sa kanyang caption.

Mula nang sila’y na-engaged, palaging updated ang fans at followers ni Tristan dahil sa mga larawang ibinabahagi niya sa kanyang Instagram account tungkol sa mga preparation nila ng fianceΓ© sa nalalapit na kasal.

Hands-on ang dalawa sa mga paghahanda at iba pang mga gawain. Mula sa pagpili ng wedding cakes, pamimili ng sapatos at wedding ring, ginawa ito ni Tristan at IA nang magkasama.

Credit:Β @boyband_tristan Instagram

Dahil sa hindi binanggit ang napiling araw para sa kanilang kasal, hindi napigilan ng netizens ang magulat nang nagbahagi si Tristan ng larawan sa Instagram kung saan ay makikita ang kamay nila ni IA habang suot ang kanilang wedding ring.

“Good morning, Wifey @iadelacruz! πŸ₯°πŸ™πŸΌπŸ€,” pahayag ni Tristan sa kanyang caption.

Sa pinakabagong post ni Tristan, ibinahagi niya ang iilang larawan na kuha sa ceremony ng kanilang kasal na ginanap sa simbahan ng Iglesia Ni Cristo (INC).

“Best day of my life. 🀍 Thank you, God! I love you forever, My Wifey! @iadelacruz”

Credit:Β @boyband_tristan Instagram

Simple at intimate lamang ang seremonya ng kanilang kasal kung saan ay ang kanilang pamilya at iilang malalapit na kaibigan lamang ang imbitado. Kabilang na nga sa mga um-attend ay ang members ng Boyband PH na sina Joao Constancia, Ford Valencia, Neil Murillo, at Russell Reyes.

Nagpaabot naman ng pagbati ang fans at kapwa celebrities sa bagong kasal.

“Congratulations πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­πŸ’–πŸ’–πŸ’–,” pagbati ni Sue Ramirez.

“Congratulations brother!!! 🀍🀍” pagbati naman ni Ria Atayde.

Credit:Β @boyband_tristan Instagram

“Congratsss! πŸ™ŒπŸ»πŸ™ŒπŸ»πŸ™ŒπŸ»,” ayon kayMaymay Entrata.

“Congrats!!!” sabi naman ni Darren Espanto.

Sa edad na 28, kasal na ngayon ang eldest na miyembro ng Boyband PH kaya hindi naiwasang magtanong ng netizens ng, “Sino na next?”

Ysha Red

error: Content is protected !!