Mother-daughter tandem na si Kathryn Bernardo at Mommy Min, sobrang excited ngayong malapit nang matapos ang ipinapatayo nilang “dream house”

Mother-daughter tandem na si Kathryn Bernardo at Mommy Min, sobrang excited ngayong malapit nang matapos ang ipinapatayo nilang “dream house”

Magkasamang nagplano, magkasama rin itong isasakatuparan! Ito ang dahilan kung bakit labis na hinahangaan ng karamihan ang mother-daughter tandem na si Kathryn Bernardo at ang kanyang Mommy Min dahil palagi lang naman silang magkasama sa bawat pagpaplano pati na rin sa pagsasakatuparan ng mga ito.

Credit: @bernardomin Instagram

Kung iconic na duo sa showbiz lang rin naman ang pag-uusapan ay tiyak na taob ang lahat sa tandem ng “Asia’s Superstar” na si Kathryn Bernardo at ang kanyang Mommy Min dahil kahit nasa harap o likod man ng kamera ay nananatili lang naman silang inseperable dahil sa manager-artista rin nilang relationship.

Sa buong buhay ni Kathryn, present talaga ang kanyang Mommy Min kaya kahit pumasok man sa showbiz at tuluyang nakamit ang kasikatan na sobra niyang deserve, palagi talagang nasa tabi niya ang kanyang ina. Sa kabila ng pressure na madalas na nararamdaman ng mga artista, nananatili namang maganda at matatag ang relationship ng mag-ina. Sa katunayan, hindi lamang ina at manager ang turing ni Kathryn sa kanyang Mommy Min kundi ay bestfriend na rin dahil magkasama lang naman silang nangangarap, nagpaplano pati na rin sa pagsasakatuparan sa lahat ng mga ito.

Credit: @bernardomin Instagram

Bagama’t isa naman ngayon sa mga sikat at successful na aktres sa Pinoy showbiz, marami pa ring pangarap si Kathryn at isa na nga sa mga ito ay ang maipatayo ang “dream house” nila ng kanyang Mommy Min para sa kanilang pamilya at makalipas nga ang ilang taon, sa wakas ay naumpisahan na nila ito noong 2020.

Kung noon ay groundwork at mga bakal pa lamang ang featured sa nakaraang updates ng aktres sa nakalipas na dalawang taon, proud namang ibinida ni Mommy Min ang kanilang almost-finished na “dream house” sa latest niyang post sa Instagram.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin)

“Looking forward,” sulat na Mommy Min sa Instagram kalakip ng isang drone shot sa ipinapatayo nilang bahay.

Sa post niyang ito, kaliwa’t kanan naman ang pagbuhos ng comments at praises ng iilang celebrities na sina Isabel Oli, Lovely Abella, Melai Cantiveros, Bernadette Sembrano, at marami pang iba. Of course, hinding-hindi rin nagpahuli si Kathryn at binati ang ina sa kanilang milestone.

Credit: @bernardomin Instagram

“Congrats mama!🤍🙏🏻,” komento ni Kathryn na sinagot naman ng kanyang Mommy Min ng, “@bernardokath malapit na anak! 😍🤗”.

Kung noon ay simpleng pangarap at plano lamang ang lahat ng ‘to, ngayon naman ay nagiging realidad na kaya natural lamang na nangingibabaw ang excitement na nararamdaman ni Kathryn at ng kanyang Mommy Min dahil sobrang surreal lang naman kasi nito lalo na’t malapit na itong matapos.

Ysha Red

error: Content is protected !!