Muling pagpapamalas ni Xyriel Manabat sa talento niya sa pag-arte, palong-palo sa netizens!

Muling pagpapamalas ni Xyriel Manabat sa talento niya sa pag-arte, palong-palo sa netizens!

Hindi naman maipagkakaila na sobrang daming talented na mga artista sa generation na ito pero kakaiba pa rin talaga ang impact ng mga batang lumaking sanay sa pag-arte katulad na lamang ni Xyriel Manabat na nilisan man ang showbiz ng maraming taon ay matagumpay pa rin niyang nagimbal ang buong mundo dahil sa muli niyang pagpapamalas sa kanyang husay at galing sa pag-arte!

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

Maraming taon naman ang lumipas, tila’y nananatili pa rin sa alaala nating lahat ang mga teleseryeng “100 Days to Heaven,” “Momay,” at “Agua Bendita” dahil lahat ng mga ito ay ginampanan lang naman ng batang aktres na si Xyriel Manabat pero hindi lamang pala dito natatapos ang supresang hatid niya dahil sa major niyang pagbabalik sa showbiz, muli niyang ibinida ang kanyang talento sa pag-arte sa pagganap niya sa karakter ni Tonet sa teleseryeng “Dirty Linen”.

Simula nang ipinalabas ang “Dirty Linen,” marami talaga ang na-hooked dahil sa magandang plot nito pati na rin sa bigatin na mga cast kaya sobrang taas talaga ng expectation ng karamihan sa series na ‘to. Sa episodes na ipinalabas so far ay hindi naman nila tayo nabigo lalo na’t magkakasunod na pasab0g lang naman ang hatid nito katulad na lamang sa emosyonal na confrontation ni Tonet tungkol sa sc@ndal ng kanyang ama na si Ador na ginampanan ni Epy Quizon.

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

Sa kumalat na sc@ndal ni Ador, labis talagang nasaktan ang kanyang buong pamilya lalong-lalo na ang kanyang unica hija na si Tonet pero kasabay sa nararamdaman niyang pighati sa pagkasira ng kanilang pamilya ay labis din ang siyang nasaktan sa biglaang pagbaba ng kanyang followers sa social media. Dahil nito, magkahalong emosyon talaga ang nararamdaman ng mga manonood.

May iilan pa nga nagpahayag na kuhang-kuha umano ng aktres ang kanilang inis habang mayroon namang natawa sa iconic na linya ni Xyriel na, “Wala na lahat ng followers ko!”

Credit: @xyrielmanabat_ Instagram

Chikiting pa lamang si Xyriel nang sumabak siya sa pag-arte at sa napakamura niyang edad, tila’y easy peasy lamang para sa kanya ang ginagawa at mukhang hindi naman naglaho ang talento niyang ito bagkus ay mas nag-improve pa nga siya dahil epektibo lang naman niyang naisasabuhay ang kanyang karakter.

Ysha Red

error: Content is protected !!