Naging emosyonal ang isang kasalan nang muling nagkita ang isang Singaporean bride at dati niyang Pinay yaya

Dahil sa heart wrenching at emosyonal na pagtatagpo ni Kelly Chua at ng dati niyang Pinay yaya na si Lita Tabaque, marami talaga sa netizens ang nahawa at naiyak kaya naman, sentro ngayon ng atensyon sa Tiktok ang video ng muli nilang pagkikita sa kasal ng 28 taong gulang na Singaporean bride matapos ang tatlong taon.
Sa loob ng 27 taong paninilbihan ni Nanay Lita sa pamilya ng Singaporean na magkakapatid na sina Kelly at Keith, talagang naging malapit siya sa mga ito lalo na’t kasama na nila ito simula pa man noong sila’y mga bata pa lamang.
Sa isang interview kasama ang PhilSTAR L!fe, ikinuwento ni Kelly na dahil sa pagiging close nila ng kanyang Yaya Lita, itinuring na siya nitong anak.
@otter.totts My brother gave me the biggest wedding surprise ever 😭❤️ #weddingsg #weddingsurprise #weddingdaysurprise #bestsurprisever #domestichelper #yaya #fyp #touchingmoment ♬ original sound – otter.totts
“We’ve shared a room almost all my life,” sabi niya. “Whenever I had nightmares as a kid, I’d walk over her bed and she’d let me sleep with her.”
Inilarawan din ni Kelly ang kanyang Yaya Lita bilang isang simpleng babae na walang ibang kagustuhan kundi ay maibigay at matustusan ang pangangailangan ng mga mahal niya sa buhay.
Dahil sa kanilang mabuti at precious na relationship, gusto talaga ni Kelly na present si Nanay Lita sa mismong araw ng kanyang kasal pero nang inimbitahan umano niya ito, tumanggi umano ang kanyang Yaya Lita dahil hindi na-renew ang kanyang passport.
Lingid sa kanyang kaalaman, pinagplanuhan na pala ng kanyang kapatid na si Keith na papuntahin si Nanay Lita sa Singapore at sa layuning surpresahin si Kelly, inilihim ito ng kanilang pamilya hanggang sumapit nga ang araw ng wedding ni Kelly.
“I wasn’t expecting it at all,” ayon kay Kelly. “He (Keith) liaised with Yaya’s family in the Philippines to arrange for all the necessary paperwork and booked a flight for her.”
At dahil nagtagumpay nga ang plano ng kapatid niyang si Keith, talagang nagulat at napaiyak si Kelly sa kalagitnaan ng kanyang kasal dahil present ang isa sa mga mahahalagang tao sa kanyang buhay.
Ayon nga sa bride, “The biggest wedding surprise ever.”
@otter.totts Reply to @elmevin27 Cherishing every moment I have with her before she heads home ❤️ #yayalita #fyp ♬ It’s a Beautiful Day – Evan McHugh
Kasalukuyan ngayong umani ng 29.4K likes at lagpas isang libo ang comments ng mismong Tiktok video ng emosyonal na muling pagkikita ng Pinay nanny at ni Kelly Chua.