Nakakatuwang usapan ni Jake Ejercito at anak na si Ellie, nagpangiti sa mga netizen

Hindi naman lingid sa kaalaman ng netizens lalo na ng fans ni Jake Ejercito ang “good vibes” na hatid nila ng anak niya na si Ellie Eigenmann sa tuwing nagcha-chat sila.
Credit: @unoemilio Instagram
Kilala si Jake Ejercito bilang isa sa mga sikat na personalidad sa industriya ng showbiz at bilang anak ng isang politiko. Maliban sa kagwapuhan at pagkakaroon ng malakas na karisma, hinahangaan din siya ng kanyang fans dahil sa pagiging mabuti nitong ama sa nag-iisang anak.
Si Adrianna Gabrielle Eigenmann o kilala sa palayaw nito na “Ellie” ay ang anak ni Jake sa dating partner na si Andi Eigenmann. Bagama’t matagal namang hiwalay, hindi naman kailanman nagkulang sa kanilang responsibilidad bilang mga magulang sina Jake at Andi.
Credit: @unoemilio Instagram
Sa sitwasyon nilang ito, pabalik-balik sa Manila at Siargao si Ellie. Kapag nasa Siargao, nagkakausap pa rin naman ang mag-ama. Sa bawat pag-uusap nina Jake at Ellie sa pamamagitan ng chat, hindi mapigilan ni Jake ang sarili na ibahagi sa social media ang screenshots ng kanilang nakakatuwang convo sa social media.
Credit: @unoemilio Instagram
Sabado, October 2 nang nagbahagi ang proud Daddy ng larawan ni Ellie kung saan ay makikitang kasama nito ang kauna-unahang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz kalakip ng naging convo nila ng anak.
“Me mommy and Philmar will see hidylin Diaz tomorrow,” pagpapaalam ni Ellie sa kanyang Daddy na ayon kay Jake ay “cool” umano.
Credit: @unoemilio Instagram
Nang tinanong ni Jake kung bakit, isang simpleng “I don’t know” lamang ang naging sagot ni Ellie.
Inulan naman ng netizens ang comment section ng mismong post ni Jake sa Facebook at umabot naman ng 5,504 retweets at 114.3K likes sa Twitter.
Of course, dahil imi-meet ni Ellie ang gold medalist, humingi si Jake ng autograph ni Hidilyn Diaz . Makalipas ang ilang oras, ibinahagi ni Ellie sa kanyang Daddy Jake ang larawan nila ni Hidilyn Diaz na nireply-an naman ni Jake ng GIF.
Credit: @unoemilio Instagram
“Did you get my autograph?” tanong ni Jake nang muling naalala ang pabor sa anak na hingin nito ang autograph ni Hidilyn Diaz kung saan ay isang diretsong “No” lamang ang reply ni Ellie.
Halos hindi naman makaget-over ang netizens sa nakakagiliw at nakakatuwang conversation nina Jake at Ellie. Noon pa man, madalas ng nagbabahagi ng screenshots ng kanilang nakakatawang convo si Jake at mula pa man noon, inaabangan na ito ng kanyang fans.
Credit: @unoemilio Instagram
Bagama’t hiwalay naman sa ina ni Ellie na si Andi Eigenmann at hindi palaging magkasama, hindi naman maitatanggi ang closeness ng mag-ama at inaasahan itong magpapatuloy sa paglipas ng panahon.