Napakagwapo at talentadong anak ni action star Jeric Raval na si Ace, umani ng papuri mula sa netizens!

Napakagwapo at talentadong anak ni action star Jeric Raval na si Ace, umani ng papuri mula sa netizens!

Nakilala ng marami sa industriya ng showbiz sa Pilipinas si Jeric Raval bilang isang mahusay na action star.

Credit: @drizzybabyyyyy Instagram

Dekada 90 noong unang pinahanga ng aktor ang maraming manonood dahil sa kanyang galing sa pag-arte sa mga action film na kanyang pinagbibidahan.

Kinahuhumalingan naman ng maraming kababaihan mula noon hanggang ngayon si Jeric dahil sa taglay niyang kagwapuhan at hindi nawawalang ‘b@d boy image’ na dala ng kanyang pagiging batikang action star.

Credit: @drizzybabyyyyy Instagram

Kung kaya’t hindi na nakakagulat na naging makulay ang kwento ng buhay pag-ibig ni Jeric dahil sa maraming babae na na-link sa kanya sa mga nakalipas na taon.

Hindi naman lihim sa publiko na mayroong 18 anak si Jeric mula sa iba’t ibang babae na dumaan sa kanyang buhay.

Isa nga sa mga nakarelasyon ng aktor ay ang ina ng baguhang s3xy actress na si AJ Raval na si Alyssa Alvarez.

Nitong mga nakaraang linggo ay naging maugong ang pangalan ni Jeric dahil sa kanyang napakagandang anak na si AJ na tulad niya ay pinili ring mag-artista.

Credit: @drizzybabyyyyy Instagram

Maingay ngayon ang pangalan ni AJ dahil sa kanyang angking kagandahan at kas3ksihan na hinahangaan ng maraming netizens. Siya ngayon ay binansagan ng maraming netizens bilang bagong “Pantasya ng Bayan” dahil sa kanyang mga s3xy role sa mga pelikulang kanyang pinagbidahan.

Tila nananalaytay naman sa dugo ng mga anak ni Jeric ang pagiging artistahin. Dahil maliban kay AJ ay may isa pang anak si Jeric na papasa ring aktor! Ito ay ang kanyang napakagwapong anak na si Ace Raval a.k.a. Drizzy Ace. Hindi man nag-artista si Ace ay nakilala pa rin siya ng marami hindi lamang bilang anak ng isang batikang aktor kundi dahil sa kanyang talento sa pagra-rap at taglay na kagwapuhan!

Credit: @drizzybabyyyyy Instagram

Kitang-kita sa mga larawan ni Ace sa kanyang Instagram account na nakuha niya ang kagwapuhan at pagiging astig ng kanyang amang si Jeric. Bukod dito, talentado rin si Ace tulad ng kanyang ama at kapatid. Noong nakaraang taon lamang ay inilabas niya ang kantang “Madaling Araw” na collab single nila ni AJ.

Ayon naman sa ilang lumabas na balita, si Ace ay isa nang ama at may isang anak ngayon.
Samantala, kahit hiwalay na si Jeric sa ina ng kanyang mga anak ay nanatili pa rin silang magkaibigan nito batay na rin sa mga larawang ibinahagi ni Alyssa kung saan masayang nakikipag-bonding sa kanilang mga anak si Jeric.

Credit: @drizzybabyyyyy Instagram

Sa kasalukuyan naman ay sikat na sikat pa rin si Jeric sa showbiz lalo na’t hindi siya tumigil sa pag-arte.

Ang latest project ni Jeric ay ang comedy-action movie na “Barumbadings” kung saan kasama niya sina Anthony Fernandez at Baron Geisler.

Ysha Red

error: Content is protected !!