Neri Miranda, ibinahagi sa publiko ang progress na kanyang pagbabalik-alindog

Neri Miranda, ibinahagi sa publiko ang progress na kanyang pagbabalik-alindog

Ano nga ba ang nagtutulak sa isang taong sobrang desidido na ma-achieve ang kanyang goal?

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Tiis at sakrispisyo ang puhunan ni Neri Miranda ngayon upang maibalik ang kanyang dating timbang na 55 kilos at sa level ng kanyang determinasyong meron siya ngayon, talagang hindi imposibleng makakamit ito ng aktres!

Matatandaan na kumakailan lamang nang isinilang ni Neri ang ikalawang lalaking anak nila ng asawa na si Chito Miranda kaya naman hindi napigilan ng kanyang fans na magulat dahil abala na siya ngayon sa pagbabalik sa dati niyang timbang.

Kumakailan lamang nang ibinahagi ni Neri ang kanyang “Road to 55 Kilos” journey sa Instagram kung saan ay ikinuwento niya ang sikreto at lahat ng ginawa niya sa nagdaang mga buwan.

“Naging 73kilos ako last October. Last month, 69 kilos ako. Swipe left para makita kung gaano talaga ako kalaki,” saad ni Neri kalakip ng larawang kuha noong nakaraang buwan at ang selfie nila ng asawa habang nagwa-walking.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Masaya namang ibinalita ng aktres ang kasalukuyan niyang timbang kung saan ay super laki umano ng naging tulong sa pag-iwas niya sa carbs at matatamis na pagkain.

“Dahil no carbs at sweets ako muna to achieve my goal (55 kilos 5’6″ height ko ), 61 kilos ako now,” ayon kay Neri.

Aminado naman ang aktres na hindi naging madali para sa kanya ang pagda-diet pero nagawa naman niyang iwasan ang bawat temptation dahil sa kagustuhan niyang ma-achieve ang kanyang goal.

“Kung tatanungin nyo ako kung mahirap ba yung no carbs at sweets, aba oo! Hahaha! Pero kung desidido kang bumalik ang dati mong timbang, magtiis ka! Idaan na lang sa tubig at prutas 🤣,” sabi ni Neri.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Maliban sa pagda-diet, ikinuwento rin ng aktres slash businesswoman na sumabak din siya sa pagstre-stretching at planking na kaagad umano niyang inayawan dahil sa naging effect nito sa kanyang katawan.

“Pero syempre, need ko pa rin ng disiplina. Dahan dahan lang. Kase 2 weeks ago, nagtry akong mag exercise, more on stretching tapos may planking, ayun, dinugo ako 😅,” pahayag ni Neri.

Dahil sa experience na ito, mas minabuti umano ni Neri na mag-walking na lamang at huwag madaliin ang pagbabawas ng timbang. Samantala, buong-buo naman ang suporta ni Chito para sa asawa at sinasamahan pa nga si Neri kapag nagwa-walking sa kanilang village.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Mahirap man ang ginagawa, hindi naman kailanman pinanghinaan ng loob ang aktres lalo na’t 6 kilos na lamang ang kinakailangan niyang ibawas at ma-aachieve na niya ang kanyang goal!

Ysha Red

error: Content is protected !!