Neri Naig, aliw na aliw sa naging reaksyon ng asawang si Chito Miranda nang makita ang bill ng kanilang kinain sa Antonio’s

Naaliw ang maraming netizens sa ibinahaging kwento ng dating aktres at ngayon ay entrepreneur-mom na si Neri Naig tungkol sa nakakatawang experience nila ng kanyang asawang si Chito Miranda nang kumain sila sa isang mamahaling restaurant.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Kahit ilang taon na ngang magkasama sina Neri at Chito, hindi pa rin nila nakakalimutang mag-asawa na maglaan ng oras para mag-date at mag-enjoy na silang dalawa lamang.
At kamakailan lang ay naisipan nga nilang kumain sa kilalang fine-dining restaurant sa Tagaytay City na Antonio’s para umano ‘kunwari’ ay may ipakita nila na ‘nakakaluwag-luwag’ na umano sila sa buhay.
Pero ang dapat sanang normal date ng celebrity couple ay napuno ng nakakaaliw na moments dahil sa bokalista ng “Parokya ni Edgar.”
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Ibinahagi ni Neri sa kanyang socmed na bago pa man sila makarating sa Antonio’s ay nagmamadali na silang umuwi dahil naka-shorts lamang umano si Chito na bawal pala sa loob ng restaurant.
Nagbiro pa umano si Chito at iginiit na mamahalin naman ang suot niyang shorts kaya bakit hindi ito pwede.
“Sabi ni Chito, pakisabi 5k naman ang shorts ko na nabili sa 511 baka pasado na raw yun, haha! Sabi ko magpantalon na sya,” ani Neri.
Sunod naman na ibinahagi ni Neri ay kung paano nagreklamo ang kanyang asawa nang kaunting tinapay lamang ang ibinigay sa kanila.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
“While waiting sa order namin, syempre gutom na gutom na kami, tig-half bread ang binigay sa amin. Sinabi ni Chito sa akin, bakit hati tayo sa bread? Ang mahal mahal ng resto, bat nagtitipid daw sa bread?” kwento ni Neri.
Dagdag pa niya, “Haha! Tawang tawa talaga ako sa kakengkoyan ng asawa ko.”
Gayunpaman, ayon kay Neri, ang pinaka “epic moment” umano sa kanilang date sa Antonio’s ay nangyari nang makita na ni Chito ang bill ng kanilang mga kinain. Ibinunyag ni Neri na nang makita ni Chito ang kanilang bill, agad umano itong nagtanong kung maaari ba nilang bayaran ito sa pamamagitan ng 6-month installment plan.
Pag-amin pa ni Neri, maging ang staff at ilang customer ng restaurant ay natawa na lamang sa naging reaksyon ni Chito.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
“Napahalakhak talaga ako pati yung staff sa kabilang table natawa na lang. Haaaaaay, Chito! Classic ka talaga! Buti na lang di ako nae-embarrass sa mga punchlines mo, sobrang tawang tawa lang talaga ako sa’yo,” saad pa niya.
Pabirong sinabi naman ni Neri sa dulo ng kanyang post na baka sa susunod ay ma-ban na sila sa maraming restaurant dahil sa “kajologan” nilang mag-asawa.
Samantala, tawang-tawa naman ang mga netizen sa naging date experience ng celebrity couple. Komento nila:
“Hahahaha! this made my night”
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
“sobrang tawa ko”
“Hahahahaha ang kyuuuut nila dalawa hahahaha”
“Ang kulit ni Sir Chito”
“Hahahaha! I love how the two of you being jologs!”