Neri Naig at Chito Miranda, ibinahagi na ang storya sa likod ng bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Pia

Sa napakaraming couple na kilala natin sa showbiz, isa si Neri Naig at Chito Miranda sa talagang sinusubaybayan at iniidolo ng karamihan dahil maliban sa pagiging #relationshipgoals nila ay patuloy din nilang pinapahanga ang lahat sa kanilang wais na investments at ventures sa business pero kahit na’y pareho man na aktibo at open sa publiko ang dalawa tungkol sa bawat panibagong happenings sa kanilang life, nagawa pa rin nilang magulat ang netizens nang ipinaalam nila sa publiko na may isa pa pala silang anak na mas matanda pa kay Miggy.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Matatandaang Disyembre nito lamang nakaraang taon nang nagbahagi ang couple ng kanilang “family picture” kung saan ay marami ang nawindang at tila’y naguluhan nang nakitang hindi lamang si Miggy at baby Cash ang kasama ni Neri at Chito sa larawan dahil katabi ng aktres at mompreneur ay isang batang babae kung kaya’t marami talaga ang napatanong ng “Who’s that girl?”
Sa paglilinaw ng couple, pamangkin ni Neri at ang kanilang adopted na anak na si Pia o kung tawagin nilang si “Ate P” ang batang babae na kasama nila sa larawan. Bagama’t “on the process” pa lamang ang adoption ay itinuturing na nilang pareho na tunay na anak si Pia.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Makaraan ang isang taon, muling nagbigay ng karagdagang impormasyon si Neri at Chito tungkol kay Pia sa interview kasama si Karen Davila.
“Si Ate P, we consider her as our gift po from God, from heaven kasi lagi naming sinasabi na some children are born of you, galing sa’yo, and sometimes God chooses the parents for them and I think that’s the role we’re playing. We just consider her as a gift talaga and she’ll be legally ours soon,” pahayag ni Chito.
Ayon sa wais couple, sobrang desidido umano sila na ma-adopt legally si Pia lalo na’t gusto raw nila na ang dalhin nitong apelyido ay Miranda.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
“It’s important because parang to avoid confusion lang kasi when I told her na we want her to be legally ours, parang siya ‘Finally! I can call you daddy’. Everything else is just formality. ‘Yun ang goal. I just want her to be legally ours,” saad ni Chito.
Pagbabahagi pa ng couple, noong una pa lamang nilang nakita si Pia ay siguradong-sigurado na umano sila sa kanilang sarili na anak nila ito kaya sobrang blessed umano nila nang naging parte ng kanilang pamilya si Pia dahil ramdam na ramdam daw nila ang pagmamahal nito kina Miggy at Cash.
“Since day one naman, she’s our daughter,” sabi ni Neri.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Simula pa lang, hindi naman itinago ni Neri at Chito kay Pia ang pagiging adopted nito pero sinisigurado naman nilang naipaparamdam nila kay Pia ang pagmamahal nilang dalawa bilang mga magulang.
Matapos ang rebelasyon ng wais couple sa pagkakaroon nila ng adopted na anak, ngayon lamang sila talagang nag-open up at ramdam naman ng netizens kung gaano kabusilak ang puso ng dalawa dahil kahit na’y hindi man mismo nanggaling sa kanila si Pia, hindi naman nila kailanman ipinaramdam sa bata na naiiba ito.