Neri Naig, ibinahagi ang kuwento sa likod ng patuloy niyang pagbili ng properties

Sa tuwing may bagong ibinibidang mga ari-arian ang Mommy at entrepreneur na si Neri Naig ay talagang bilib na bilib ang karamihan ngunit sinu-sino nga ba ang nakakaalam sa tunay na kuwento kung bakit patuloy siya sa pagnenegosyo at property ventures?
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Kung ang akala ng iilan ay hindi na kailangan ng celebrities na magkaroon pa ng ibang trabaho bukod sa kanilang career sa showbiz, hindi naman maitatago ang katotohanan na hindi forever ang kasikatan kaya marami talaga sa mga personalidad sa industriya ang mayroong “back-up plan” at isa na nga sa mga ito ay si Neri Naig-Miranda.
Hindi lamang pagtatayo ng mga negosyo ang pinagkakaabalahan ng 36 taong gulang na Mompreneur na si Neri dahil nag-aacquire din siya ng iba’t-ibang properties. Kung nito lamang nakaraan ay isang condo ang ibinida sa publiko, ngayon naman ay isa na namang rest house sa Baguio City na kung tawagin bilang “Hillside House” ang kanyang binili!
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Sa update ni Neri sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang balita na may sarili na silang bahay ng pamilya sa Baguio na kaagad namang pinaulanan ng positibong mga komento galing sa fans at followers.
“Wowowow! Congrats, wais na misis🙌🙌🙌”
“I admire u! Indeed wais na Misis❤️❤️”
“galing mo neri😍”
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
“you are truly inspiring❤️”
“Grabe! Kahanga-hanga! Such an inspiration to many! More blessings pa po, @mrsnerimiranda 🥰”
Sobrang proud sa kanyang investments, talagang nagsisilbing inspirasyon para sa karamihan si Neri. Kahit na’y stable naman ang kanyang career sa showbiz, pinagbubutihan umano ng aktres-entrepreneur ang pag-iinvest dahil para umano ito sa kapakanan at kinabukasan ng kanyang mga anak.
Ayon kay Neri, isang inspirasyon para sa kanya ang experience kung saan ay dumaan siya sa labis na kahirapan kaya ngayon na isa may sarili ng pamilya, sinisigurado talaga niya na secured ang future ng kanyang mga anak.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
“For 24 years, nangungupahan lang kami. Walang masasabing ancestral house kahit maliit, kahit nasa probinsya. Kaya palagi akong nagsusumikap kasama ng asawa ko, na makapag ipon para makabili ng mga bahay para sa mga anak namin,” kuwento ni Neri.
Dagdag pa niya, “Ang pagiging mahirap namin nung bata, ako hanggang sa paglaki, ay naging inspirasyon ko para mas magsumikap sa buhay at nang hindi maranasan ng aming mga anak ang kahirapan namin noon.”
Bilang isang Momshie, wala talagang ibang pangarap si Neri Naig kung hindi ay mabigyan ng magandang buhay at kinabukasan ang mga anak kaya talagang doble ang kayod niya sa pag-iinvest at pagma-manage sa lahat ng kanilang mga negosyo.