Neri Naig, ibinida sa netizens ang disenyo ng kanyang ipapagawang laundry area

Kasalukuyang ipinagbubuntis ang ikalawang anak at marami man ang pending na mga trabaho ay nananatili pa rin na hands-on si Neri Miranda sa kanyang proyektong “Glass House”.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Abala ngayon si Neri sa kanyang malaking proyekto na kung tawagin niyang “Glass House”. Nito lamang nang ipinasilip niya sa netizens ang kanyang lugar para sa paglalaba o “laundry area”.
Matagal ng plano ni Neri ang magkaroon ng maaliwalas na lugar kapag siya ay naglalaba. Nang sumagi sa isip ng aktres na gusto niyang gawing enjoyable ang paglalaba, doon niya naisipang magtayo ng “laundry area” na may malaki-laking space at may kumpletong kagamitan katulad na lamang ng sampayan, malaking sink, organizers, plantsahan, at iba pa.
Sabado, September 11 nang ibinahagi ni Neri sa Instagram ang design at interior ng kanyang gustong “laundry area” sa tulong ng Grupo Santamaria.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
“My laundry area! Parang ang sarap maglaba, hehe!” pahayag ni Neri sa kanyang caption.
Sino ba naman kasi ang hindi gaganahan maglaba kapag ganito kaaliwalas at kakomportable ang labahan katulad ng kay Neri? Dahil dito, marami ang napa-wow na netizens at marami pa ang nagsabing maaari na umano itong gawing tambayan.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Ayon sa aktres, “Maayos na sampayan ko at kahit umulan, oks lang kase may bubong na. Wala nang tatakbo sa labas para samsamin ang mga sinampay, haha!”
Sa mga larawang ibinahagi ni Neri sa kanyang Instagram account, talagang mapapansin ang puti at itim na black accent na ayon sa netizens ay ang lakas umano “maka-minimal aesthetic”.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
“Gusto ko talaga ng puro white sa bahay tapos may accent na black na minimal lang na hindi pa rin nawawala yung touch ng farm style,” sabi ni Neri.
At dahil kumpleto na ang design at interior ng planong “laundry area,” labis na lamang ang naramdamang excitement ni Neri sa ideyang itatayo na ito “soon”.
Matatandaan din nitong nakaraang buwan nang ibinahagi ni Neri ang magiging design ng kanyang kitchen at dining area na magsisilbi rin niyang studio. Ipapasilip rin daw umano ng aktres ang magiging design ng kanyang “mud room saka dog bath station”.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Dahil sa kagustuhan ni Neri ng simple at maaliwalas na lugar, naisipan niyang gawin ang proyektong “Glass House”.
Hindi magtatagal, makikita na nating lahat ang aktwal na “Glass House” ni Neri at muli ay masusupresa sa kagandahan at kasimplehan nito na siyang reflection sa pagkatao ng aktres— simple at maganda.