Neri Naig, proud na natapos na ang kanyang kursong Business Administration

Neri Naig, proud na natapos na ang kanyang kursong Business Administration

May kakaiba talagang effect ang taong may kakayahan sa pagpapatawa kaya siguro sobrang blooming ni Neri Naig dahil sa magaan na personalidad ng kanyang asawa na si Chito Miranda. Gaano nga ba ito katotoo?

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Kung marami ang nagsasabi na skincare, walang nararamdamang stress sa buhay, o pagkakaroon ng pera ang dahilan kung bakit nagmumukhang blooming at maganda ang pisikal na anyo ng isang tao, marami ang hindi nakakapansin na may malaki rin palang kontribusyon ang presence ng mga mahal natin sa buhay na may magagaan na personalidad at may kakayahan sa pagbibigay ng katatawanan katulad na lamang ng mag-asawang si Neri Naig at Parokya Ni Edgar frontman na si Chito Miranda.

Ilang taon namang nagsasama bilang couple, hindi pa rin kumukupas ang kasiyahan at pagmamahalan ni Neri at Chito sa isa’t-isa. At dahil alam naman ng lahat na dumadaan talaga sa iba’t-ibang pagsubok ang buhay mag-asawa, sinisiguro naman ng couple na katumbas ng bawat problema ay comedy at katatawanan. Minsan, nagiging doble pa nga ang kasiyahan sa magandang kaganapan sa kanilang buhay katulad na lamang ng ibinahaging balita ni Neri sa social media kumakailan lamang.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Maliban sa pagiging aktres at pagma-manage ni Neri sa iba’t-iba niyang negosyo, isinasabay din niya ang kanyang pag-aaral sa kursong Business Administration sa Unibersidad ng Baguio sa ilalim ng alternatibong programa na Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) kung saan ay naglalayong makapagbigay ng opportunity sa “working professionals” katulad ng aktres na maka-obtain ng degree.

Matapos ang mahigit isang taon na pagsusumikap ng aktres na, gagradweyt na ngayon si Neri. Upang ipagdiriwang ang achievement niyang ito, ibinahagi niya sa Instagram noong Sabado, April 23 ang kanyang “graduation photo” ngunit imbes na solo siya sa nasabing larawan, makikita sa kanyang likod si Chito na naka-peace sign.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Kung simpleng titingnan ang larawan, masasabi na naka-photob0mb lamang si Chito pero kung iisipin ng mabuti, nagpapahayag ang larawan ng labis na pasasalamat ni Neri sa asawa na palaging nakaantabay at nakasuporta sa kanya. Oh pak, photobomb na may magandang meaning!

Ysha Red

error: Content is protected !!