New hairstyle ni LJ Reyes, agaw atensyon ngayon sa social media!

Pinatunayan ni LJ Reyes na hindi basta-bastang matatapos ang pag-ikot ng kanyang mundo dahil lamang sa isang hiwalayan.
Credit: @lj_reyes Instagram
Kumakailan lamang nang pumutok sa media ang balitang hiwalay na sina LJ at ang partner na si Paolo Contis matapos ang ilang taong pagsasama. Sa hiwalayang ito, labis ang sakit na naramdaman ni LJ pero hindi niya hinayaang malugmok at manatiling malungkot ang sarili. Imbes, ginawa pa nga itong oportunidad ng aktres upang mas mapabuti pa ang sarili.
Sa paglipad ni LJ sa ibang bansa matapos ang kanilang hiwalayan ni Paolo, itinuon ng aktres ang kanyang atensyon sa pagi-improve sa sarili. Mapapansin nito lamang ang madalas na pagiging aktibo ni LJ sa Instagram. Simula nang namalagi sa ibang bansa, madalas ang kanyang posts dahilan kung bakit palaging updated ang kanyang fans.
Matapos pagkaguluhan ang kanyang mga larawan kuha sa photoshoot para sa “New York Fashion Week,” muling niyanig ni LJ ang netizens nang ibinida niya ang kanyang bagong hairstyle. Ilang minuto matapos ibahagi ni LJ ang mga larawan sa Instagram kung saan ay makikita ang kanyang bob cut na hairstyle, kaagad na inulan ng papuri at positibong komento ang comment section ng mismong post ng aktres.
Credit: @lj_reyes Instagram
Maliban dito, hindi rin nakatakas sa atensyon ng kapwa celebrities ni LJ ang patuloy na improve ng kanyang taste pagdating sa fashion. At dahil sa bagong hairstyle, mas lalo pa na nadepina ang kagandahan ni LJ na siyang napansin ng iilang artista.
“Ang ganda mo naman!!!” papuri ni Chariz Solomon.
“Ganda elcheyyyy! 🔥🔥” sabi naman ni Gee Canlas.
“Beautiful ❤️❤️❤️,” ayon kay Cathy Valencia.
Credit: @lj_reyes Instagram
“Wow 😍,” komento ni Andrea Torres habang emojis naman kina Melissa Ricks, Isabel Oli, at Cristine Reyes.
Hindi rin nagpahuli ang malalapit na kaibigan ni LJ na sina Ryza Cenon at Camille Prats dahil labis din ang kanilang papuri sa kagandahan ng aktres.
“You look so lovely mars!!! ❤️❤️❤️” sabi ni Camille.
“Ganda mo gf!!😍 ingat kayo dyan,” ayon naman kay Ryza.
Credit: @lj_reyes Instagram
Masakit man ang pinagdaanan, hindi ito naging hadlang para kay LJ na ipagpatuloy ang buhay lalo na’t patuloy siyang ini-inspire ng kanyang mga anak na sina Aki at baby Summer.
Maliban dito, isa ring malaking tulong para kay LJ ang suportang ibinibigay ng kanyang mga kaibigan at kapwa celebrities. Dahil sa pagmamahal na ibinibigay ng kanyang fans sa kanya, hindi pinaghinaan ng loob si LJ at ngayon ay nagsilbi ngang inspirasyon para sa mga babaeng dumaan sa heartbreak na mas may isasaya pa ang buhay.
Iba talaga ang glow ng isang babae matapos masaktan at patunay na nga rito si LJ Reyes.