News anchor na si Dano Tingcungco, pinahanga ang netizens dahil isa rin palang sapatero

News anchor na si Dano Tingcungco, pinahanga ang netizens dahil isa rin palang sapatero

Hindi madali na pagsabayin ang dalawang bagay dahil kinakapos tayo sa oras o hindi kaya’y grabe ang pagod na dulot nito. Minsan, nakakalimutan na natin ang ating sarili pero kapag mahal mo natin ang mga ginagawa, kayang-kaya natin itong gawin dahil sa bawat araw na lumilipas, patuloy lamang itong nagiging exciting.

Credit: @danotingcungco Instagram

Passion, determinasyon, at kagustuhan ang sandata natin upang maipagpatuloy ang ating mga ginagawa habang may nakaukit na ngiti sa ating mga labi. Bagama’t marami man ang nagsasabi na kalaunan, mauubos din ang ating energy at dadating din ang panahon na mawawalan tayo ng gana sa mga ginagawa kaya kailangan nating mamili pero ayon kay Dano Tingcungco na isang anchor at shoemaker, bakit pa kailangang mamili sa dalawa kung kaya naman itong pagsabayin?

Sa likod ng bawat news na naihahatid sa araw-araw ay ang abalang researchers, reporters, anchors, at iba pa na responsable sa bawat balitang programa. Isa na nga sa mga ito ay si Dano Tingcungco na nagsisikap na makapaghatid ng tamang impormasyon sa publiko pero sino nga ba ang mag-aakala na ang katulad niyang madalas na nakikita sa harap ng telebisyon ay matutunghayan ring nagsusukat ng paa at gumagawa ng mga sapatos kapag nasa likod na ng kamera?

Credit: @danotingcungco Instagram

Nanggaling sa pamilya ng mga sapatero si Tingcungco pero pag-amin niya, hindi niya nakikita ang sarili noon na sumusunod sa yapak ng kanyang mga ninuno pero kahit na’y isang dekada na siya ngayong nasa industriya ng journalism, pilit pa rin siyang naibabalik sa kanyang kinagisnan hanggang nakahiligan nga niya itong tunay.

“I, designer and shoemaker. Finally embracing my heritage, my personal history, and everything I have become. It took so much pain to get me here. But it propelled me to fight for the space to create,” pahayag ni Tingcungco sa isang post niya sa Instagram nito lamang buwan ng Marso kung saan ay makikita siyang nagsusukat sa paa ng isang customer.

Credit: @danotingcungco Instagram

Ayon kay Tingcungco, pareho umanong demanding ang trabaho niya bilang isang anchor at ang pagiging shoemaker lalo na’t kaka-launch lamang niya ng sariling “leatherwork project” na “Minsan”.

Credit: @danotingcungco Instagram

“These two lives are equally demanding but equally no compromise,” sabi niya.

Of course, may mga pagkakataon na napapagod si Tingcungco pero sa tuwing naiisip umano niya ang lahat, bumabalik sa kanyang isipan na gusto niya ang mga ginagawa. Sa isang panayam kay Dano ng PhilStar ay ikwinento niya ang kanyang buhay bilang isang reporter at sapatero.

Credit: @danotingcungco Instagram

“It is exhausting. But when I go to my room, lie in my bed, before I shut my eyes and call it a day, I’d tell myself, ‘I’m doing exactly what I love to do.'”

Ysha Red

error: Content is protected !!