Niña Jose, lubos na hinangaan dahil sa pagiging mapagmahal na ina sa walong anak nilang mag-asawa

Niña Jose, lubos na hinangaan dahil sa pagiging mapagmahal na ina sa walong anak nilang mag-asawa

Naaalala ng karamihan si Niña Jose dahil naging kabilang siya sa Pinoy Big Brother noong taong 2006. Mula noon ay isa na siya sa mga sikat na aktres at modelo sa industriya ng showbiz dahil sa angking kagandahan at kahusayan sa pag-arte.

Credit: @therealninajosequiambao Instagram

Magmula noon ay nagtuloy-tuloy ang pagtanggap niya ng mga proyekto at kabilang din siya sa iilang sikat na pelikula katulad na lamang ng Shake, Rattle, and Roll 12 kung saan ay kasama niya ang iilan sa mga malalaking artista sa industriya.

Taong 2017 nang napagpasyahan ni Niña Jose na lumiban sa showbiz upang magpakasal kay Cezar Quaimbao na kasalukuyang Mayor ng Bayambang, Pangasinan at isa ring businessman.

Credit: @therealninajosequiambao Instagram

Masaya namang namuhay ang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak sa labas ng mundo ng showbiz. Sa kabila ng kanilang age gap ay hindi naman ito naging hadlang upang mamuhay ng payapa si Niña at Mayor Cezar kasama ang anak na si Antonio.

Credit: @therealninajosequiambao Instagram

Noo’y aktres ay isa na ngayong full time mom at mapagmahal na asawa kay Mayor Cezar habang patuloy na sinusuportahan ang asawa sa karera nito bilang isang politiko at businessman.

Labis namang hinangaan ng netizens si Niña dahil sa pagiging mapagmahal na ina nito sa walong mga anak.

Namumuhay man ng payapa at maayos kahit wala na sa showbiz ay may mga matitinding pagsubok pa ring dumadaan sa buhay ni Niña na hindi niya ikinahina kung hindi ay mas ikinatatag pa ng kanyang pamilya.

Credit: @therealninajosequiambao Instagram

Labis namang hinangaan ng netizens si Niña dahil sa pagiging mapagmahal na ina nito sa walong mga anak. Anim ang anak ng kanyang asawa sa dati nitong asawa at nabiyayaan naman ng dalawa na si Antonio at Isabello pero noong Disyembre 2019 ay pumanaw si Isabello dahil sa miscarriage.

Taong 2018 naman ay pumanaw rin ang kanyang anak na si Julius, ang unang anak ng kanyang asawa sa dating asawa sa edad na 44. Ayon kay Niña ay nami-miss na niya umano si Julius at Isabello sa bawat araw na lumilipas.

Credit: @therealninajosequiambao Instagram

Ibinahagi niya bilang paglilinaw sa social media nang may isang netizen ang nagtanong sa kanya ukol sa edad ni Julius noong ito’y namatay dahil sa pag-aakalang nagkamali lamang siya sa nasabing edad. Nagtanong ang netizen kung 44 years ba o days kung saan ay binigyang-linaw ng former actress.

“Our son Julius was 44 years old. He is Cezar’s first born son,” tugon ni Niña.

Credit: @therealninajosequiambao Instagram

Sa comment section ay sinabi niyang walo lahat ang kanyang anak kasama ang mga anak ni Mayor Cezar bago sila naging mag-asawa. Nilinaw rin niya na mahal niya lahat ng kanyang mga anak.

“I have 6 stepchildren, 1 of which is in heaven (Julius), and 2 kids with Cezar. 1 in heaven (isabello) Personally it doesn’t matter if theyre my step children or children. I love them all the same. All in all I have 8 kids. And I also have 1 grandchild. This shouldn’t be an issue.”

Ysha Red

error: Content is protected !!