Ogie Alcasid, may mensahe para sa bunsong babaeng anak na si Sarah na nagdiwang ng kaarawan

Ogie Alcasid, may mensahe para sa bunsong babaeng anak na si Sarah na nagdiwang ng kaarawan

Sobrang sweet naman talaga ni Ogie Alcasid, hindi lamang sa pagiging asawa kung hindi ay pati na rin sa pagiging ama.

Sa pagdiwang ng kanyang bunsong babaeng anak na si Sarah sa ika-19 na kaarawan nito ay mayroong sweet na mensahe ang kanyang Daddy Ogie para sa kanya.

Credit: @ogiealcasid Instagram

Huwebes, September 2 nang nagbahagi si Ogie ng isang “throwback” na larawan sa kanyang Instagram account kalakip ng kanyang mensahe bilang caption.

“Happiest bday my dear sweetheart Sarah. All of 19 years today,” pagbati ni Ogie sa birthday girl.

Ayon pa kay Ogie, miss na miss na umano niya ang anak at gusto na niya ulit itong makita at makasama. Ibinunyag pa niya na ang larawang ibinahagi niya sa Instagram ay kuha pa noong nakaraang taon nang sila’y nagkasama.

Credit: @sarahalcasid Instagram

“I miss you so much my darling and hoping that we could see each other soon. This photo was taken jan 23 of 2020 and i can’t wait till i see you again,” sabi ni Ogie.

Of course, proud na proud rin si Ogie sa anak at labis itong hinangaan dahil sa kanyang “dedication” pagdating sa pag-aaral.

“I am very proud of you and all that you do most especially your dedication to your studies,” ayon kay Ogie.

Tinapos naman ni Ogie ang kanyang mensahe ng pagbati para sa anak ng, “I love you very much!!! @sarahalcasid.”

Credit: @sarahalcasid Instagram

Sa comment section ay may sweet din na mensahe si Sarah para sa kanyang Daddy Ogie.

“love you dad ❤ thank you,” sabi ni Sarah.

Binati rin ng mga kapwa celebrities ni Ogie si Sarah. Sa comment section ay masaya nilang binati kasama ng mga fans ni Ogie ang bunsong babaeng anak nito.

Credit: @sarahalcasid Instagram

“Happy birthday @sarahalcasid all the best to you,” pagbati ni Dingdong Avanzado, kapwa singer ni Ogie.

“Happy Birthday, Sarah!!! ❤❤❤” komento naman ni Izza Calzado.

“Happy Birthday! 🎂😃,” bati ni Jhong Hilario.

Credit: @ogiealcasid Instagram

Kasalukuyang namamalagi si Sarah sa Australia kasama ang kanyang Mommy Michelle van Eimeren, ang dating asawa ni Ogie. Bagama’t hiwalay naman ngayon ay nananatili pa rin ang maganda nilang relasyon sa isa’t-isa.

Ysha Red

error: Content is protected !!