Ogie Diaz, nilinaw kung ano ang binili niyang bagong bagay para sa sarili

Ogie Diaz, nilinaw kung ano ang binili niyang bagong bagay para sa sarili

Matutong magbasa ng mabuti at ugaliing tapusin ang binabasa upang hindi ma-misinterpret ang isang nakakaaliw na kuwento. Ito ang hinihikayat at nais ipahiwatig ni Ogie Diaz dahil sa natanggap niyang negatibong mga komento mula sa netizens matapos ang kanyang viral na kuwento tungkol sa “bagong biling charger”.

Credit: Ogie Diaz Facebook

Matatandaan nito lamang Linggo, June 12 nang unang nagbahagi si Ogie sa Facebook ng kanyang larawan kung saan ay makikita siyang nakatayo katabi ng isang green Lamborghini.

Sa unang bahagi ng caption ni Ogie, talagang marami ang mapapaniwala na ang tinutukoy niyang bagong achievement na sobra umano niyang deserve matapos ang kanyang 35 taon na pamamalagi sa industriya ng entertainment ay ang kulay berdeng lamborghini ngunit sa huling bahagi ng kanyang caption, sinurpresa niya ang netizens dahil ang tinutukoy pala niya ay ang bagong biling iPhone charger!

Credit: Ogie Diaz Facebook

Kung marami ang natawa at natuwa sa kanyang makwelang kuwento at punchline sa huli, marami rin sa netizens ang nayabangan sa komedyante. Mostly sa bashers ay ang mga taong hindi talaga tinapos ang pagbabasa sa kuwentong “achievement” na ito ni Ogie dahilan kung bakit nilinaw niya na wala siyang bagong sasakyan, let alone isang magara at mamahaling lamborghini!

“Wala po akong Lamborghini. Sineryoso ng iba. Di nila binasa hanggang ending yung post ko, huhuhu! Iphone CHARGER po ang binili ko,” paglilinaw ng komedyante.

“Nasa parking lot po ako niyan. Sa Las Vegas. Nag-choose lang po ako ng sasakyang didikitan. Tumabi po ako sa magarang sasakyan na kulay green. Tapos kung isu-zoom in nyo ang pic sa kamay ko, hawak ko po yung charger,” paliwanag ni Ogie.

Credit: Ogie Diaz Facebook

Pagkukuwento pa ni Ogie, kahit na’y marami man siyang salapi, hindi talaga siya mahilig sa mga mamahaling sasakyan dahil kuntento na umano siya sa Honda o Toyota.

Sa kabila ng natanggap niyang negatibong mga komento galing sa bashers, na-appreciate naman ni Ogie ang lahat ng mga taong nakaintindi sa kanyang post dahil kahit papaano umano, may napatawa umano siya.

“Pasensiya na kung pang-matalino yung post ko, ha? Kaya palakpak para sa mga tumawa o napangiti ng post ko na yon, kasi matatalino sila,” aniya.

Credit: Ogie Diaz Facebook

Kahit na’y na-bash nang matindi, motivated at inspired naman ang komedyante na gumawa pa ng kuwentong nakakakaaliw basahin. Of course, kilala sa kanyang “unbothered” na personality, hindi hinayaan ni Ogie na maapektuhan siya sa kanyang bashers at patuloy pa rin sa pagbibigay ng good vibes!

Ysha Red

error: Content is protected !!