Paggawa ng nakakaaliw na TikTok videos, paraan ng mag-inang may dwarf!sm para maghatid ng kasiyahan

Paggawa ng nakakaaliw na TikTok videos, paraan ng mag-inang may dwarf!sm para maghatid ng kasiyahan

Hindi maikakailang isa ang TikTok sa mga pinakasikat ngayong social media application sa buong mundo. Kabilang naman ang maraming Pinoy sa mga nawiwili na rin ngayon sa paggawa ng iba’t ibang videos sa TikTok.

Credit: On Record on GMA Public Affairs YouTube

Tulad na lamang ng isang mag-ina na mayroong kondisyon na dwarf!sm mula sa Sultan Kudarat na sina Mariezl “Barbz” at Mary “MM” Bacala na kinagigiliwan ngayon ng libu-libong netizens sa TikTok.

Naging daan para kina Barbz at Mary ang TikTok upang makapagbigay sila ng kasiyahan sa maraming tao dahil sa kanilang nakaka-good vibes na mga video. Maituturing kasi na “small but terrible” si Barbz at ang anak niyang si Mary dahil sa kanilang galing sa pagsasayaw at paglikha ng mga nakakaaliw na content sa TikTok.

Credit: On Record on GMA Public Affairs YouTube

Sa katunayan, isa sa kanilang viral video na mag-ina ay umabot pa sa mahigit 1 million ang nakuhang views.

Sinabi naman ni Barbz sa palabas na “On Record” ng GMA na masaya silang mag-ina dahil maraming tao ang kanilang napapasaya sa kanilang mga dance video sa TikTok.

Ani Barbz, “Parang normal din sa amin, masaya kami tapos feel na feel namin ‘yung sayaw para mapasaya rin ang mga tao.”

Samantala, nagkuwento rin si Barbz tungkol sa kanyang buhay bilang isang tao na may dwarfism. Ang kondisyon ni Barbz ay isang genetic condition kung saan ay may kakulangan sa tangkad ang isang tao na namana niya sa kanyang nanay na si Liezl. Dahil namamana ang dwarfism, maging ang anak nga ni Barbz na si Mary na ngayon ay 4 na taong gulang na ay may ganito ring kondisyon.

Credit: On Record on GMA Public Affairs YouTube

Ayon kay Barbz, madalas silang tuksuhin ng mga tao dahil sa kanilang kalagayan. Maliban dito, dumating din umano sa puntong walang tumanggap sa kanya sa trabaho dahil sa kakulangan niya sa tangkad.

“Sabi nila, “Hala ‘nan0.’ Tapos malas daw kami, ganito, ganito. Tapos minsan naiyak na lang kami,” kwento ni Barbz.

Dagdag niya, “Naghahanap ako noon ng trabaho, walang tumatanggap sa akin kasi maliit ako, ganito.”

Sa kabila naman ng hindi magagandang karanasan nila ay hindi pinanghinaan ng loob sina Barbz, nanatili pa rin silang positibo at masayahin. Isa nga ang paggawa ng TikTok videos sa paraan nilang magpamilya para maghatid din ng kasiyahan sa ibang tao.

Credit: On Record on GMA Public Affairs YouTube

Ani Barbz, “Proud po kami kahit ganito lang po ako. Happy din ako sa kanya (Mary) kahit ganito lang siya. Marami ‘yung mga tao na natuwa sa kanya.”

Agosto noong nakaraang taon lamang ginawa ni Barbz ang TikTok account nilang mag-ina ngunit sa kasalukuyan ay mayroon na itong mahigit 11K followers at mahigit 100K likes.

Ysha Red

error: Content is protected !!