Pagpa-practice ni Buboy para sa isang song number, nauwi sa katatawanan dahil sa mga nakakaaliw na reaksyon ni Pekto sa kanyang pagkanta!

Laughtrip ang pagpa-practice ng Kapuso actor na si Buboy Villar para sa gagawin niyang song number! At ang dahilan? Hindi niya magawang mabigkas ang lyrics ng kanta dahil hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na tumawa.
Credit:ย Buboy Villar Facebook
Marahil tulad ni Buboy ay naranasan n’yo na ring hindi mapigilang tumawa sa mga sandaling kinakailangan ninyong magseryoso.
Kaya naman sobrang naaliw ang maraming netizens sa in-upload na video ni Buboy sa kanyang Facebook account kung saan nga ay mapapanood siyang nahihirapang maitawid ang pagpa-practice sa 90s hit ng Rivermaya na “214”.
Sa simula ng video ay kapansin-pansin na natatawa na ang Kapuso actor ngunit naitawid naman niya ang unang linya na “Am I real?”.
Gayunpaman, tila nawala na sa focus si Buboy nang magpakita ng nakakatawang reaksyon sa kanyang pagkanta ang komedyanteng si Mike Nacua o mas kilala sa kanyang screen name na Pekto na kasama niya sa loob ng dressing room.
Credit:ย Buboy Villar Facebook
Noong una ay nakikinig lamang si Pekto sa pagpa-practice ni Buboy pero nang mapansin niyang tila nahihirapan itong kantahin ang lyrics ay dito na lumabas ang pagiging kwela ng komedyante.
“‘Di ako makapag-rehearse,” ani Buboy.
Natatawang payo naman ni Pekto, “Wag mong Bisayain.”
Sinubukan naman muli ni Buboy na magseryoso, kaya lang ay nauuwi sa tawa ang kanyang pagkanta.
Credit:ย Buboy Villar Facebook
Makailang beses din na napamur@ si Buboy dahil hindi niya talaga mapigilan ang kanyang sarili na tumawa. Habang makikita naman sa kanyang tabi si Pekto na pinipigalan ang kanyang sarili na matawa.
Makalipas ang ilang minuto, makikitang pilit na tinatapos ni Buboy ang kanyang pagpa-practice. Kaya lang ay nauwi na naman siya sa pagtawa dahil sa nakakatawang reaksyon ni Pekto sa kanyang pagkanta.
Sa dulo ng video ay hindi man lang umabot si Buboy sa chorus ng kanta dahil sa sobrang tawa niya sa mga ipinapakitang wacky faces ni Pekto.
Caption pa ni Buboy sa kanyang post, “Paano ba makakapag-practice ng hindi tumatawa?! Bw!st ka Pekto!”
Samantala, sumakit naman ang tiyan ng mga netizen dahil sa katatawa matapos mapanood ang video ng dalawang Kapuso comedian. Komento nila:
“Ganun talaga kapag may kaibigan kang comedian. Yung tipong magkakatitigan pa lang kayo pero solid na agad yung tawa HAHAHAHA”
“Antok na sana ko, tapos nakita ko pa to. ๐๐๐Tangal tuloy ๐ญ”
Credit:ย Buboy Villar Facebook
“Kaloka pati tuloy ako nadadamay sa kakatawa ๐คฃ๐คฃ๐คฃ”
“Sakit tuloy panga ko nakikitawa din ako ๐๐๐diko alam bakit ako natatawa .๐ang saya lng”