Pagsasama ni Pambansang Kolokoy at Gladys Guevarra sa latest vlog, pinag-usapan at kinakiligan ng netizens!

Pagsasama ni Pambansang Kolokoy at Gladys Guevarra sa latest vlog, pinag-usapan at kinakiligan ng netizens!

Mahirap talaga para sa Pinoy vloggers na paghiwalayin ang kanilang trabaho at personal na buhay dahil closely-knitted lang naman ang dalawang aspeto na ito kaya madalas talaga na napapabalita sa publiko ang issues nila sa likod ng kamera katulad na lamang ni Joel Mondina o mas kilala ng karamihan bilang si Pambansang Kolokoy na naging controversial lately dahil sa hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Marites Mondina matapos ang 20 na taong pagsasama.

Credit: Pambansang Kolokoy YouTube

Sa controversial na hiwalayan ni PK at Marites, marami talagang babae ang nadawit sa vlogger at kabilang na nga sa mga ito ay ang dating “Eat Bulaga” host at komedyante na si Gladys “Chuchay” Guevarra dahil sa matinding pagkakahawig at pagkakapareha niya sa “mysterious girl” na kasama ni PK sa vlog na pinagamatan niyang “GIRL FRIEND” kung saan ay marami ang mas naintriga dahil sa suot nitong sunglasses at mask.

Dahil dito, marami sa netizens ang nagsabi na si Gladys umano ang “kabit” ni PK pero kaagad naman siyang may bwelta para sa bashers at itinanggi sa isang FB post na siya ang babaeng dahilan sa hiwalayan ni PK at Marites.

Credit: Pambansang Kolokoy YouTube

“O shoutout sa mga nagpapaka NBI hahaha? Kumusta? May nakuha ba kayong mga ebidensya? Para sa inyo to… Mukha ba akong nanganak? 🤣🤣🤣 Yan tayo eh! Huwag padalos dalos sa pagbintang mga kapitbahay,” sulat ni Gladys sa kanyang post.

Kung sa “GIRL FRIEND” vlog ay balot na balot ang mukha ng babaeng kasama ni PK, maayos namang ipinakilala ng vlogger ang babae sa likod ng sunglasses at mask at ito nga ay walang iba kundi ay si Gladys Guevarra!

Credit: Pambansang Kolokoy YouTube

Sa pagsasamang ito ni PK at Gladys sa vlog, marami talaga sa kanilang fans ang torn kung ano ang papaniwalaan, whether GF ba ng vlogger ang komedyante o mabuting kaibigan lamang pero gayunpaman, mapapansin pa rin ang matindi at pangmalakasang chemistry ng dalawa na tila ba’y ang kanilang palitan ng biro at tawanan ay natural lamang sa kanila.

Ysha Red

error: Content is protected !!