Pamangkin ni Angel Locsin na si Alyanna Angeles, namana ang ganda at talento ng aktres

Pamangkin ni Angel Locsin na si Alyanna Angeles, namana ang ganda at talento ng aktres

May mga talento na natututunan ngunit may mga tao rin na namamana ang kanilang angking talento sa kanilang pamilya at hindi na naman ito bago para sa iilang malalaking pangalan sa mundo ng showbiz.

Credit: @alyannaangeles_ Instagram

Dahil sa kahusayan sa larangan ng pag-arte, isa si Angel Locsin sa mga aktres na may pinakamalaking fandom at mukhang hindi lamang nanatili sa kanyang sarili ang talento dahil naipamana niya rin ito sa kanyang pamangkin na si Alyanna Angeles.

Maaaring marami-rami na ang hindi nakakakilala kay Alyanna pero kapag nasilayan nila ulit ito, tiyak na magbabalik ang alaala niya sa karamihan dahil hindi naman kasi siya basta-bastang nalilimutan.

Katulad ng kanyang Tita Angel, mala-anghel din ang kagandahan ni Alyanna. Mula sa kanyang maamong mga mata at ngiti na talagang magpapatibok sa puso ng karamihan sa atin, bakas pa rin sa kanya ang dating child star na minsan nang bumihag sa atensyon ng netizens.

Hindi nasilayan ng ilang taon sa showbiz, ginulat ni Alyanna ang publiko sa kanyang glow up kung saan ay nagbabalik siya ngayon bilang isang ganap na dalaga.

Credit: @alyannaangeles_ Instagram

Mas lalo na gumanda, nadepina rin ang magandang hubog ng katawan ni Alyanna ngunit hindi lamang ito ang nag-improve sa batang aktres dahil panigurado rin na mas nag-improve ang kanyang abilidad sa pag-arte.

Noon pa man ay marami ng kinabilangang teleserye si Alyanna. Isa na nga sa mga ito ay ang mga TV series na pinagbibidahan ni Erich Gonzales kung saan ay si Alyanna ang gumaganap sa batang karakter ni Erich. Napanood din siya sa sikat na teleseryeng “Juan Dela Cruz” noong taong 2013 kung saan ay nakatambalan niya ang kapwa child star na si Zaijan Jaranilla.

Sa napakamurang edad, marami nang natanggap na opportunities si Alyanna at dito nadiskubre ang kanyang kahusayan sa larangan ng pag-arte.

Credit: @alyannaangeles_ Instagram

Matapos ang maraming taon na pananatili sa labas ng showbiz, sa wakas ay nagbabalik na si Alyanna sa industriya ng entertainment at tila’y handang-handa nang sumubok ng panibagong roles na panigurado namang mamahalin ng netizens.

Sa oras na siya’y babalik sa harap ng kamera at muling magpapamalas ng talento sa acting, tiyak na papatok ito sa publiko!

Ysha Red

error: Content is protected !!