‘Pambansang Bae’ Alden Richards, biglang napa-TikTok kasama ang aktres na si Andrea Brillantes!

‘Pambansang Bae’ Alden Richards, biglang napa-TikTok kasama ang aktres na si Andrea Brillantes!

Kumasa sa ilang viral dance challenge sa TikTok si Asia’s Multimedia Star Alden Richards kasama ang young actress at celebrity influencer na si Andrea Brillantes. Hindi maikakailang sina Alden at Andrea ay dalawa lamang sa pinakamalalaking pangalan ngayon sa showbiz.

Credit: Blythe Tiktok

Kamakailan naman ay nagulantang ang maraming fans ng dalawang showbiz stars nang mapanood silang humahataw sa ilang viral dance challenge ngayon sa TikTok.

Ipinost ni Andrea ang video ng pagsasayaw nila ng kanyang Kuya Alden sa kanyang TikTok account.

Sa kanilang first video, ipinamalas ni Alden ang kanyang dancing skills nang sabay silang kumembot ni Andrea sa “Let’s Groove” ng bandang Earth, Wind & Fire.

Talagang makikita sa mukha ng dalawa ang kasiyahan habang enjoy na enjoy sila sa pagkembot.

Credit: Blythe Tiktok

Kinilig naman ang maraming netizens nang gawin ni Alden ang “Might Be (Remix)” dance challenge kasama si Andrea.
Lalo na nang ipinakita ni Alden ang kanyang cute smile at dimples habang ginagawa ang challenge.

Lingid sa kaalaman ng marami, nagkatrabaho kamakailan ang dalawang showbiz stars sa isang commercial ng isang energy drink.
Kaya naman tanong ni Andrea sa kanyang followers, “Napanood nyo na po ba ang commercial namin ni kuya Alden?! #aldenrichards #stingenergydrink”

Ibinahagi rin ni Alden sa kanyang Instagram account ang kanyang kauna-unahang solo TikTok video kung saan sinayaw niya ang “StingHatawChallenge.”

Samantala, kamakailan lang, ipinagdiriwang ni Alden ang kanyang ika-11 taon sa industriya ng showbiz.

Credit: Blythe Tiktok

At sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-11 taong anibersaryo bilang isang artista, hindi nakalimutan ni Alden na pasalamatan ang kanyang milyun-milyong followers.

“11 years. You’ve all been with me in my successes & in times I needed to learn and you’ve inspired me to keep going! THANK YOU will never be enough to express how blessed I am for all your support in everything I do. Maraming maraming salamat! Here’s to more years and beyond!” pahayag ni Alden sa Instagram.

Mapapanood naman ngayong darating na January 30, 2022 ang matagal nang pinaghandaang documentary concert ni Alden na pinamagatang “ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson Jr.”

Credit: Blythe Tiktok

Ayon sa ‘Pambansang Bae ng Pilipinas,’ lahat ng kikitain ng kanyang concert ay mapupunta sa kanyang itinatag na foundation na AR Foundation Inc.

Matatandaang sumikat si Alden matapos siyang maging parte sa kinababaliwan noong “KalyeSerye” ng Eat Bulaga kung saan nakatambal niya ang aktres na si Maine Mendoza.

Ysha Red

error: Content is protected !!