Pamilya nila Doug at Chesca Kramer, sinusulit ang bawat oras habang nagbabakasyon sa Amerika

Pamilya nila Doug at Chesca Kramer, sinusulit ang bawat oras habang nagbabakasyon sa Amerika

Wala talagang katumbas ang kasiyahan kapag mga mahal mo sa buhay ang kasama. Dahil sa nag-uumapaw na nararamdamang positibong emosyon, halos hindi talaga mapangalanan ito basta ba’t ang tanging alam lamang natin ay masaya at kuntento tayo.

Credit: @dougkramer Instagram

Sa bawat vlog na ibinabahagi ng Team Kramer sa Youtube, iba’t-ibang tanawin at magagandang lugar ang kanilang pinupuntahan. Of course, kumpleto ang bawat miyembro sa kanilang pamilya dahilan kung bakit marami ang na-iinspire at humahanga sa closeness at katatagan ng kanilang pagsasama.

At dahil halos nalibot na ang magagandang tanawin sa kanilang lugar, naisipan ng couple na si Chesca Garcia at Doug Kramer na ipasyal naman ang kanilang mga anak sa US kung saan ay talagang sinusulit nila ang bawat oras at moment nila habang nasa bakasyon.

Kahit na’y malayo ngayon sa kanilang Pinoy fans, patuloy pa rin ang updates ni Doug at Chesca sa kani-kanilang social media account kaya naman ramdam na ramdam pa rin ng karamihan ang good vibes na hatid ng Team Kramer.

Credit: @dougkramer Instagram

Nag-enjoy sa Big Bear Lake sa California ang kanilang buong pamilya kung saan ay nag-enjoy sila sa pagkuha ng picture at paggawa ng iba’t-iba at nakakaaliw na pose.

At dahil mahilig sa road trip ang pamilyang Kramer, nagpunta rin sila sa Sedona, Arizona. Of course, may pictures na naman sila na awtomatiko namang ibinahagi ni Doug sa Instagram.

“A road trip to remember!” pahayag ni Doug sa kanyang caption sa nasabing post.

“We learned so much on the road! From trying out local favorites and doing stop overs in key cities so we could do a little sight seeing, and “enjoy” the small break before hitting the road in the morning again.”

Credit: @dougkramer Instagram

Of course, hindi mawawala sa kanilang destinasyon ang fun fair kung saan ay sumabak sa pagsakay ng roller coaster ang buong Team Kramer. At dahil magkahalong kaba at takot ang nararamdaman, magkahawak-kamay si Doug at Kendra sa kalagitnaan ng ride habang sobrang pumatok sa netizens ang naging reaksyon ni Chesca, Gavin, at Scarlett.

“What a trip to Texas! More memories made with our family and fiends. 😍 We had such a great time together riding all these roller coasters,” saad ni Doug.

Credit: @dougkramer Instagram

Matapos ang kanilang trip sa Texas, kasalukuyan ngayong nasa New York ang pamilyang Kramer. Ano na naman kaya ang susunod na moment nila? Excited na ang fans na malaman ito!

Ysha Red

error: Content is protected !!