Pamilya nila Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, ipinasilip ang napakalawak at napakagandang bahay bakasyunan sa Batangas

Pamilya nila Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, ipinasilip ang napakalawak at napakagandang bahay bakasyunan sa Batangas

Sa episode ng ‘Sarap Di Ba? Bahay Edition’ ay ibinahagi ng mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi ang kanilang mini vacation kasama ang kambal na sina Mavy at Cassy sa kanilang property na matatagpuan sa Batangas.

Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Ayon sa pamilya Legaspi, ito ang kanilang paraan para mag-bonding kasama ang kanilang anak na si Cassy na kalalabas lamang sa l0ck-in taping ng ‘First Yaya’.

Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Si Zoren na nagtraining at opisyal na miyembro ng HPG o Highway Patrol Group ang nagsilbing escort sa kanilang byahe papunta sa Batangas.

Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Sa tuwing magbabakasyon sila doon ay hindi maaaring mawala ang must-have dish na ginataang alimango at alimasag at ito ay iniluto ni Carmina sa kusina ng kanilang resthouse. Ayon pa sa aktres ay hindi maaaring hindi siya maghahanda ng alimasag na paborito ng kanyang asawa sa tuwing nagbabakasyon sila dito.

Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Si Mavy naman ay nagrequest ng inihaw na Liempo kaya naman pinaghandaan sila ni Kuya Raffy ng nasabing putahe at kanilang pinagsaluhan sa kanilang tanghalian.

Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Ibinahagi rin ng pamilya ang fun activities na ginagawa nila sa kanilang rest house. Naglaro ng one on one old school vs. new school na tapatan sa basketball court ang mag-amang sina Zoren at Mavy.

Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Ipinakita naman nina Carmina at Cassy ang beachfront area ng kanilang rest house kung saan masarap magwork-out dahil sa ganda ng view.

Naglaro rin sila ng game na jojowain o totropahin sa kanilang pool area.

Kapansin-pansin ang pagiging overprotective nina Zoren at Mavy sa kanilang dalaga na si Cassy na tila hindi maaaring sumagot ng jojowain na kinatuwaan ng mga netizen.

Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Si Zoren naman na sadyang palabiro sa kanyang pamilya ay nagbiro ng jojowain si Maxine Medina sabay sabing “San ba siya nakatira? Susunduin kita magbihis ka na!“ kaya naman ang kanilang tanungan ay nauwi sa nakakatawang habulan.

Credit: Sarap, ‘Di Ba? on GMANetwork YouTube

Sadyang nakakatuwa ang masayang Legazpi Family, ayon pa nga sa kanilang ina ng tahanan, simple lang ang kanilang kaligayahan.

“Gan’to lang naman ang simpleng kaligayahan namin. You know just being with the family,” Ani Carmina.

Ysha Red

error: Content is protected !!