Panganay na anak ni Alice Dixson, ipinakilala na niya sa publiko

Hindi talaga biro ang pagiging artista dahil dulot ng kasikatan ay ang pagiging busy dahil sa sunod-sunod at maraming projects kaya naman nang nagkaroon ng pagkakataon na makapag-relax, inilaan ni Alice Dixson ang kanyang break kasama ang panganay at bunsong anak na si baby Aura.
Credit: @alicedixson Instagram
Alam naman nating lahat na sobrang busy sa mundo ng showbiz lalong-lalo na sa mga sikat na artista katulad ni Alice Dixson kaya naman sa tuwing may break, talagang sinusulit niya ang bawat araw at oras kasama ang pamilya.
Bilang celebration sa Mother’s day nito lamang, kasama ni Alice ang kanyang mga anak na si baby Aura at Sassa na official niyang ipinakilala sa publiko.
Credit: @alicedixson Instagram
Sa break ni Alice, nagkaroon ng bakasyon ang mag-iina sa isang beach resort kung saan ay nag-enjoy sila sa pagwi-swimming at pagkuha ng mga larawan sa isa’t-isa.
Sa Instagram, ibinahagi ng 51 taong gulang na aktres ang mga larawan nila habang nasa bakasyon kung saan ay makikita sa bawat picture ang kanyang panganay na namana ang kagandahan ng kanyang Mommy Alice.
Credit: @alicedixson Instagram
At dahil celebration ng Mother’s day, nagpahayag si Alice sa kanyang saloobin bilang isang ina sa dalawa at magaganda niyang mga anak. Ayon sa aktres, isa umanong malaking karangalan ang pagiging isang ina.
“Being a mom is a gift. I’ve been very lucky in my lifetime to experience it twice; 1st with Sassa our panganay 💕,” sulat ni Alice sa kanyang caption.
Bilang isang Mommy, hindi talaga madali para kay Alice na ipagsabay ang kanyang Momshie duties at trabaho pero kahit na’y ganoon, matagumpay pa rin niyang naaalagaan at nasusubaybayan ang paglaki ng kanyang mga anak lalo na ang kanyang chikiting na si baby Aura.
Credit: @alicedixson Instagram
At dahil sobrang busy sa trabaho nitong mga nakaraang buwan lalo na’t isa si Alice sa mga bida sa teleseryeng Legal Wives, wala talagang sinasayang na pagkakataon ang aktres habang nasa bakasyon ngayon kasama ang mga anak.
Base sa mga larawang ibinahagi ni Alice sa kanyang Instagram account, masasabi talaga na napawi na ang lahat ng kanyang pagod dahil magkakasama silang mag-iina.