Panibagong milestone sa buhay ni Bea Alonzo sa Spain, umabot lang naman ng 30 milyon!

Panibagong milestone sa buhay ni Bea Alonzo sa Spain, umabot lang naman ng 30 milyon!

Sa tuwing nababanggit ang pangalan ng nag-iisang si Bea Alonzo, kaakibat talaga nito ang nakakahanga niyang talento sa pag-arte dahil pinatunayan lang naman niyang deserve niya ang recognition at fame na tinatamasa niya sa kanyang buong career bilang aktres. Sa mahabang panahon na pamamalagi niya sa industriya ng showbiz, tinagurian siyang isang phenomenal na aktres pero tila’y hindi lamang sa pag-aartista nalilimitahan ang kakayahan ni Bea dahil ngayon, labis rin niyang napapahanga ang karamihan sa kanyang ventures.

Credit: @beaalonzo Instagram

Bagama’t mahaba man ang linya ng proyekto ngayong taon ni Bea, hindi naman niya nakakalimutan ang pag-eenjoy lalo na’t aminado siyang isa siyang “travel geek” pero nito lamang nakaraang mga buwan, tila’y hindi lamang pamamasyal o pag-eenjoy ang ginagawa ng aktres dahil aktibo na rin siya sa kanyang ventures lalong-lalo na sa investments.

Matatandaan nito lamang Mayo nang ibinahagi ni Bea sa isang vlog episode na naghahanap siya ng apartment sa Madrid, Spain dahil matagal na umano niyang gusto ang ideya na manirahan abroad at kumakailan lamang nang nabanggit ng aktres sa nakaraang presscon ng pinagbibidahan niyang teleserye na “Start Up PH” na isa na siya ngayong resident sa Spain.

Credit: @beaalonzo Instagram

“Galing ako sa isang mahabang bakasyon. 26 days, almost a month. Kakauwi ko lang this week from Europe. The reason why I went there was because I wanted to get my Golden Visa to Spain so am now a resident of Spain,” masayang balita ni Bea.

Bagama’t hindi man citizenship ang pinagkaabahalan ni Bea nitong nakaraang mga buwan, awtomatiko naman siyang naging residente sa Spain dahil sa pagkakaroon niya ng property na nagkakahalaga lang naman ng ₹500, 000 o 30 milyong peso!

Credit: @beaalonzo Instagram

Sa established niyang reputation sa Philippine showbiz, marami na talagang properties dito sa Pinas si Bea pero dahil sa kanyang fascination na manirahan abroad, nagkaroon din siya ng interes na magkaroon din nito sa ibang bansa kaya sa acquisition niya ng property na nagkakahalaga ng 30 milyong peso, nabigyan siya ng Golden Visa. May property na nga, isa pa siya ngayong official na resident sa Spain kaya masasabi talaga na isang “smart business move” ang desisyong ito ng aktres.

Credit: @beaalonzo Instagram

Ngayong isa na siyang ganap na resident sa Spain, ibig sabihin ba nito’y mapapadalas na ang Europe-filled na contents sa YT channel ng aktres? Marami na ang excited!

Ysha Red

error: Content is protected !!