Panoorin ang nakaka-good vibes na reaksyon ng kambal na anak ni Korina Sanchez matapos nilang makita ang kanilang kauna-unahang kama!

Naghatid ng good vibes sa maraming netizens ang ibinahaging video ng veteran journalist na si Korina Sanchez-Roxas sa kanyang Facebook account kung saan ay tampok ang kanyang napakacute na kambal na anak na sina Pepe at Pilar.
Credit: @korina Instagram
May panibagong milestone na naman kasi na na-achieve sina Pepe at Pilar bilang mga bata at ito ay ang paglipat nila sa isang pambatang kama! Idinokumento ni Korina ang milestone na ito ng kanyang mga anak kung saan ay tuluyan na nilang ni-let go ang kanilang baby crib.
Likas na malikot at mapag-usisa ang mga bata lalo na sa kanilang napakamurang edad at hindi naiiba rito sina Pepe at Pilar. Ayon pa kay Korina, madalas na sinusubukan nina Pepe at Pilar na tumakas sa kanilang crib, isang bagay na lubhang peligr0so naman para sa kanila bilang mga bata. At para maiwasan na ang ginagawang ito nina Pepe at Pilar kaya naman napagdesisyunan ni Korina na ilipat na sila sa isang totoong pambatang kama.
Credit: @korina Instagram
Sa video na ibinahagi ni Korina ay makikita ang masayang reaksyon nina Pepe at Pilar matapos nilang makita ang kanilang unang kama. Napakacute ng mga kama nina Pepe at Pilar na kwento ni Korina, nabili umano niya ng mura sa isang online store. Para sa kauna-unahang kama ng kanyang kambal ay isang Mickey at Minnie Mouse-inspired na kama ang binili ni Korina.
Credit: @korina Instagram
“Milestone! Well since panay ang attempted escape ng twins sa crib nila and it’s getting more and more dangerous, I decided to just get them real kids’ beds! Mahirap humanap Ng Mickey and Minnie Mouse beds dito so I had to go to Amazon. And mura lang naman!Sooo excited and you should see their reaction! Be part of another Pepe en Pilar Milestone as they say goodbye to their baby cribs! And say hello to their new kiddie beds!” ani Korina sa caption ng video.
Nakakataba nga naman ng puso ang naging reaksyon nina Pepe at Pilar habang sila ay nagpagulong-gulong sa kanilang mga sariling kama. Kitang-kita ang abot-langit na kasiyahan nina Pepe at Pilar dahil mayroon na silang isang tunay na kama.
Samantala, maging ang mga nakapanood na netizen ay tuwang-tuwa rin na makita ang nakaka-goodvibes na tawa at mga ngiti nina Pepe at Pilar habang ini-enjoy ang kanilang bagong kama. Komento ng netizens:
Credit: @korina Instagram
“Wow new bed, i love watching your video twins Pepe n Pilar, how you’ve grown so fast”
“Wow Pepe and Pilar, they have new beds…Cute”
“They are so cute in their kiddie beds and seem enjoying their new beds”
Noong February 12 lamang ay ipinagdiwang nina Pepe at Pilar ang kanilang ika-2 kaarawan.