Panoorin ang nakakatuwang morning vlog ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez

Panoorin ang nakakatuwang morning vlog ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez

Sa industriya ng musika ay kilala ang pangalang Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Pareho silang magaling na mang-aawit dahilan para kumalat ang kanilang pagkakakinlanlan kahit pa man sa ibang bansa. Bukod sa magkasama ang dalawa sa parehong industriya ay magkasama rin sila sa iisang bahay at mahigit sampung taon ng kasal.

Credit: @ogiealcasid Instagram

Kahit sa matagal ng magkasama bilang mag-asawa ay hindi pa rin kumukupas ang kanilang pagmamahal at hindi nakakaligtaang purihin ang isa’t-isa.

Noong May 26 ay nag-live si Ogie sa kanyang YouTube channel kung saan ay mukhang bagong gising pa lamang ang katabi na si Regine kung saan ay pinuri niya dahil sobrang ganda pa rin nito kahit bagong gising at kahit walang make-up.

Credit: Ogie Alcasid YouTube

“I want to talk about dreams,” sabi ni Ogie dahil ito raw ang kadalasang napag-uusapan nila ng asawa sa tuwing sila’y magkasama.

Ibinahagi ni Ogie sa kanyang manonood ang panaginip niya kagabi kung saan ay naglalaro siya. Ayon sa kanya ay hindi niya maipasok ang bola sa nasabing laro kahit ano mang gawin niya. Nang tinanong ang kanyang asawa kung ano ang ibig sabihin ng kanyang panaginip ay ‘fear’ niya daw iyon.

Credit: Ogie Alcasid YouTube

“I always interpret your dreams,” sagot ni Regine.

Ipinarinig din ni Regine ang ginawang instrumental ni Ogie na bago sa pandinig ng lahat. Nasabi naman ni Ogie na hobby lamang daw niya ang pagpa-piano kung saan nakatanggap siya ng papuri galing sa asawa na sinabing ‘beautiful’ ang ginawang instrumental.

Credit: Ogie Alcasid YouTube

Bilang mga mang-aawit ay natural lamang na mapag-usapan ng dalawa ang musika. Nagbahagi rin sila ng kani-kanilang paboritong artist dahilan ng pag-usbong ng interes ng mga netizens na nanonood.

Credit: Ogie Alcasid YouTube

Bukod sa hilig sa musika ay ibinahagi rin ni Ogie ang mga series at movies na kanyang napanood katulad na lamang Army of the De@d at Money He!st sa Netflix, Train to Busan na isa sa mga kilalang pelikula sa South Korea, at World W@r Z.

Nang mapag-usapan ng mga netizens ang k-drama ay pinapili ni Ogie ang lahat kung ano ang mas maganda. Cr@sh on Landing On You o Goblin kung saan ay itinaas ni Regine ang isang kamay at bumoto sa Goblin.

Pinuri rin ng mag-asawa ang kagwapuhan ng leading man sa CLOY na si Hyun Bin na siyang gumanap sa role ni Captain Ri.

Hanggang sa natapos ang kanilang vlog ay magiliw nilang ibinahagi ang paborito nilang musika, movies, series, at mga bida sa nabanggit na mga pelikula kung saan ay maraming netizens na nakaka-relate.

Credit: Ogie Alcasid YouTube

Dahil sa kanilang Live kung saan ay pinamagatan ni Ogie Alcasid na “Murneng Vlang” at nakipag-usap at nagbahagi ng kani-kanilang panaginip, paborito na mga pelikula, at nagawang instrumental ay naging maganda ang umaga ng kanilang mga fans.

Credit: Ogie Alcasid YouTube

“Have a wonderful day everyone. I hope you enjoyed this vlang,” pamamaalam ni Ogie bago matapos ang kanyang Live.

Ysha Red

error: Content is protected !!