Panoorin ang nakakatuwang pakikipag-usap ni Jhong Hilario sa kanyang 2-month old baby na si Sarina

Panoorin ang nakakatuwang pakikipag-usap ni Jhong Hilario sa kanyang 2-month old baby na si Sarina

Kilala ang pangalang Jhong Hilario sa industriya ng showbiz dahil sa angking galing nito sa pag-arte pati na rin sa pagho-host. Bukod pa doon ay magaling rin siyang sumayaw kung saan ay naging miyembro siya ng dating sikat na dance group na Streetboys.

Credit: @jhonghilario Instagram

Ngayon ay naglilingkod si Jhong bilang isang konsehal sa lungsod ng Makati pero nagagawa pa rin niyang maglaan ng sapat na oras para sa kanyang pamilya.

Nito lamang March 27 ay sinalubong ni Jhong at ng long-time partner na si Maia Azores ang una nilang baby. Ibinahagi ni Jhong ang magandang balita na natanggap nilang mag-asawa sa kanyang Instagram kung saan ay umani ng pagbati sa ilang kaibigan sa showbiz at kapwa hosts sa noontime show na It’s Showtime na kanyang kinabibilangan. Umapaw din ng pagbati mula sa kanyang mga tagahanga si Jhong.

Credit: @jhonghilario Instagram

“Hello my LOVE!!!” saad ni Jhong Hilario sa nasabing post kung saan ay ipinakita niya ang larawan ng kanyang baby na si Sarina.

Ngayo’y dalawang buwan at higit na si Sarina at hindi maipagkakaila na namana ni Sarina ang pagiging masiyahin ng kanyang ama na si Jhong.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktor at host na si Jhong ang videos niya sa Instagram kung saan ay kasama niya ang anak. Sa video ay makikitang tila’y napakalalim ng pag-uusap nilang ng kanyang unica hija.

Credit: @jhonghilario Instagram

Sa bawat tanong ni Jhong ay sumasagot naman si Sarina ng mga katagang “yeah” at para bang sumasang-ayon sa bawat sinasabi ng ama sa kanya dahilan para maaliw ang mga netizens na mula noo’y sumusubaybay na sa bawat cute video na ibinabahagi ng aktor sa kanyang social media account.

Hindi naman nakatakas sa paningin ng mga netizen at talagang napansin ang labis na pagtitig ni baby Sarina sa kanyang ama na si Jhong habang kinakausap siya nito.

Marami ang naantig dahil bibihira lamang para sa 2 months old na baby ang tila ba’y marunong niyang pagsagot sa bawat katanungan ng kanyang Daddy Jhong.

Credit: @jhonghilario Instagram

Umani naman ang video ng sandamakmak na papuri kung saan ay maraming natuwa at napasabing sobrang cute umano ni baby Sarina at talaga naman daw manang-mana sa kagiliwan ng ama.

Credit: @jhonghilario Instagram

Ayon sa caption ni Jhong ay tila umano’y magkaka-blo0d cl0t siya dahil sa pagsagot ng kanyang anak sa mga katanungang ibinato niya rito.

“Magkakablo0d cl0t ako kay @sarinahilario kasi sumasagot eh.”

Credit: @jhonghilario Instagram

Halata naman sa mukha ni Jhong na aliw na aliw siya sa naging pagsagot ni Sarina na para bang naiintindihan na nito ang kanyang mga katanungan. Dahil sa nasaksihang video ng mga netizen ay hindi kataka-takang magiging sobrang close ng mag-ama sa patuloy na paglipas ng panahon.

Ysha Red

error: Content is protected !!