Parokya Ni Edgar vocalist na si Chito Miranda, niregaluhan ng pangarap niyang pick-up ng wais niyang misis na si Neri Naig!

Normal na talaga na makatanggap ng mga regalo mula sa mga mahal natin sa buhay sa tuwing sumasapit ang ating kaarawan ngunit para sa “Parokya Ni Edgar” vocalist na si Chito Miranda, wala na siyang iba pang mahihiling dahil sobrang dami lang naman ng blessings na kanyang natatanggap sa buhay pero sa kagustuhan ng kanyang wais na misis na si Neri Naig na mas mapasaya pa ang asawa sa araw ng kanyang birthday, sinurpresa niya ito sa hinanda niyang napakabonggang regalo.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Hindi lamang properties ang kaliwa’t kanang pinu-purchase ni Neri dahil kabilang din sa listahan ng kanyang priorities ay ang maisakatuparan ang matagal nang pangarap ni Chito na pick-up truck.
Sa video na ibinahagi ng actress-entrepreneur sa Facebook, mapapanood kung paano niya sinurpresa ang asawa sa hinanda niyang bonggang regalo.
Wala talagang kamalay-malay si Chito sa regalong tinutukoy ni Neri kaya nang lumabas sila at ibinida ni Neri ang nakaparadang puting pick-up na truck kung saan nakasakay na sa likod ang kanilang mga chikiting na si Pia at Miggy. Nang napagtanto na ang sasakyan ang regalo ng misis, natulala na lamang si Chito.
View this post on Instagram
“Happy birthday!” natatawang pagbati ni Neri sa mister na medyo natagalan bago muling naka-recover sa shock.
“Bumili ka ng sasakyan?” gulat niyang tanong sa misis.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Hindi lamang basta-bastang sasakyan ang binili ni Neri para sa asawa dahil ito lang naman ang matagal nang pinapangarap na sasakyan ni Chito kaya magkahalo talaga ang emosyon na kanyang nararamdaman dahil alam din umano niyang sobrang mahal nito.
Noong una’y todo pa nga sa pag-insist si Chito na babayaran niya ang asawa sa perang nagastos nito pero dahil “birthday gift” ito ng aktres, iginiit ni Neri na deserve ng kanyang mister na makatanggap ng kanyang pinapangarap na sasakyan.
Bilang commemoration sa bago niyang sasakyan, kaagad silang sumabak sa road trip kung saan ay medyo nanibago si Chito dahil sobrang ganda lang naman sa interior ng pick-up.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Kung noo’y simpleng pangarap lamang, ngayon ay isinakatuparan na ito ni wais na misis ni Chito. Maligayang kaarawan talaga indeed.