Pasig Mayor Vico Sotto, nagbigay ng rate sa lahat ng taong bumati sa kanya ng maligayang kaarawan

Pasig Mayor Vico Sotto, nagbigay ng rate sa lahat ng taong bumati sa kanya ng maligayang kaarawan

Hindi na lamang limited sa mga pagkain ang pagre-rate ni Pasig Mayor Vico Sotto dahil pati mga tao, binibigyan na rin niya ng scores! Sa kanyang kaarawan nito lamang, ilan kaya ang score sa lahat ng netizens na bumati sa kanya ng “Happy birthday?”

Credit: @coneyreyes Instagram

Sobrang laki pala ng impluwensya ni Pasig Mayor Vico Sotto. Hindi lamang sa usapang politika kung hindi ay pati na rin sa mga katuwaan at kalokohang pinapangunahan niya na awtomatiko namang nagiging trend katulad na lamang ng sinimulan niyang pagre-rate ng mga pagkain mula 1 hanggang 10.

Nagsimula bilang simpleng katuwaan, unang ibinahagi ni Mayor Vico ang pagiging self-proclaimed na food blogger sa kanyang Instagram stories kung saan ay binigyan niya ng scores ang kanyang mga pagkain ngunit dahil marami sa netizens ang natuwa, gumaya rin sila.

Sa pagsapit ng kanyang kaarawan nito lamang Biyernes, June 17 ay mukhang upgraded na rin ang pagre-rate ni Mayor Vico dahil kung noon ay mga pagkain lamang ang binibigyan ng scores, ngayon naman ay lahat ng mga taong bumati sa kanya ng maligayang kaarawan at nagpabatid ng kanilang positibo at magagandang mensahe.

Credit: @coneyreyes Instagram

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Mayor Vico ang kanyang luma at close-up na larawan na may caption na, “Maraming salamat sa inyo 10/10 kayong lahat. 🫀”

At dahil espesyal na araw ito para kay Mayor Vico, walang pinalagpas ang kanyang Mommy Coney at nagpahayag ng sweet na mensahe para sa anak kalakip ng mga larawang kuha niya sa simpleng celebration ng kanilang pamilya.

Ayon sa beteranang aktres, “Happy Birthday, Vico!!! (June 17) I pray that God bless your year(s) ahead even more! May He keep you in the center of His will and grant you the desires of your heart. I love you, son! 🫀🫀🫀”

Credit: @coneyreyes Instagram

Hindi naman nakaligtaan ng karamihan ang expression ni Mayor Vico sa iilan sa mga larawang ibinahagi ng kanyang Mommy Coney dahil para umano siyang inaantok.

Kahit na’y mukhang malungkot sa pinakaunang larawan, nakabawi naman si Mayor Vico sa mga susunod pang larawan na ibinahagi ng kanyang Mommy Coney kaya 10/10 rin siya sa netizens.

Ysha Red

error: Content is protected !!