Pauleen Luna-Sotto: “I just want to freeze this moment.. blessed to have these two”

Pauleen Luna-Sotto: “I just want to freeze this moment.. blessed to have these two”

Masaya ang maybahay ni Vic Sotto na si Pauleen Luna na ibahagi sa publiko ang isang nakakatuwang bonding moment ng kanyang mag-ama na sila Vic at Tali.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Sa kanyang Instagram account ay makikita ang sweet gesture ng comedian-host na si Vic sa kanyang anak na si Tali kung saan ay sinusuklayan niya ang basa at mahabang buhok ni Tali. Halatang kakatapos lang maligo ni Tali at tahimik naman itong nakaupo sa harapan ng kanyang ama habang sinusuklayan siya. Sa video ay maririnig na tumutugtog ang background song na “The Days”.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Sa caption ay sinabi ni Pauleen kung gaano siya ka-blessed kay Vic at Tali at kung pwede lang ay gusto niyang pahintuin ang oras para sa sweet moment na iyon.

Sinabi ni Pauleen, “I just want to freeze this moment.. blessed to have these two.”

Talaga namang precious ang moment na ito para sa pamilya ni Pauleen at napakapalad nila ni Tali dahil hindi lahat ng ama ay hands-on sa kanilang mga anak katulad ni Vic.

Bukod kay Tali ay sinisigurado din kasi ni Vic na mabigyan ng oras ang kanyang mga anak na sila Danica, Oyo, Paulina, at Vico.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng bonding si Vic Sotto kasama ng mga pamilya nila Oyo Boy, Danica,  Tali at kanyang asawang si Pauleen at kanyang mga apo. Sa Instagram post ni Pauleen ay makikitang masaya silang nagbakasyon sa isang napakagandang beach resort.

Maging si Pauleen ay masaya na nakasama ang ibang anak ni Vic at mga apo nito na magbakasyon.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“This place is absolutely beautiful but the presence of our family makes this trip the best ever! Thank you Lord for our family ❤️ my heart is full of gratitude!”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

May video ding ibinahagi si Pauleen na makikita kung gaano kasaya si Vic habang nasa yate at naghahanda sa kanilang pagsusnorkeling. Sa linaw ng dagat ay kasama nilang lumalangoy ang mga naggagandahang isda doon.

Talaga namang higit sa materyal na yaman ay iba ang kasiyahang dala ng mga oras na magkakasama ang pamilya.

Ysha Red

error: Content is protected !!