PBB Season 2 champ na si Beatriz Saw, buntis sa ikatlong anak!

PBB Season 2 champ na si Beatriz Saw, buntis sa ikatlong anak!

Bago pa man nauso ang Facebook, Tiktok at iba pang socmed platforms, karamihan talaga sa atin ay nakatutok sa telebisyon at nakaabang sa bawat episode ng “Pinoy Big Brother” kung saan ay hindi scripted na drama o comedy ang ating napapanood kundi ay makatotohanang salita at kilos ng housemates.

Credit: @dimplesromana Instagram

Sa reality show na ito, nalalaman talaga nating mga manonood ang totoong personalidad ng bawat housemate kaya mas nabubuhay talaga ang ating interes bilang fan lalo na sa tuwing may nangyayaring eviction dahil nagmamadali talaga tayong bumuboto upang hindi matanggal sa show ang paborito nating housemate pero sa sandamakmak na itinanghal na “big winners” bawat season ay tila’y nananatiling favorite ng masa si Beatriz Saw.

Kahit ilang taon naman ang lumipas simula nang itinanghal si Beatriz Saw bilang PBB Season 2 champ noong 2007, marami pa rin ang nakakaalala sa kanya dahil isa lang naman kasing strong na impression ang iniwan niya sa kanyang fans kaya kahit lumipas man ang napakahabang panahon ay patuloy pa rin siyang hinahanap-hanap ng karamihan.

Credit: @dimplesromana Instagram

Matapos ng kanyang PBB days, pinasok naman ni Beatriz Saw ang mundo ng pag-aartista at iilan nga sa kinabilangan niyang hit na movies ay ang “One More Chance” at “A Second Chance” kung saan ay gumanap siya bilang si Anj.

Kahit na’y hindi na masyadong aktibo ngayon sa showbiz, patuloy naman sa pagbibigay ng update si Beatriz sa IG kaya nasusubaybayan pa rin siya ng kanyang fans. Sa katunayan, ibinabahagi rin niya sa publiko ang kanyang bawat milestone ngayong isa na siyang momshie pero nito lamang bago, hindi nanggaling sa aktres ang baon niyang magandang balita kundi ay mula sa kanyang “One More Chance” at “A Second Chance” co-star na si Dimples Romana.

Credit: @dimplesromana Instagram

Sa recent na post ni Dimples sa Instagram, masaya niyang ibinalita ang pagbubuntis ni Beatriz sa ikatlong anak nila ng asawa nitong si Rocky Tan.

“May bagong mini member ang Thursday Barkadaaaa 😊 Congratulations my dear @ackie_tan @beatriz_saw 🥹☺️,” sulat ni Dimples sa kanyang caption kalakip ng mga larawang ibinahagi niya na kuha mula sa hangout sesh nila kasama ang isa pa nilang co-star na si Bea Alonzo.

Credit: @dimplesromana Instagram

Sa magandang balita na ito ng celebrity momshie, aasahang magkakaroon sila ng bagong miyembro sa kanilang pamilya. Congratulations, momshie Beatriz!

Ysha Red

error: Content is protected !!