Pelikulang pinagbidahan ni Jericho Rosales na “Basurero,” itinanghal bilang Best Global Film!

Pelikulang pinagbidahan ni Jericho Rosales na “Basurero,” itinanghal bilang Best Global Film!

Hanggang saan ba aabot ang husay at galing ng mga Pinoy? Hindi lamang mga indibidwal na talento ang nafe-feauture sa mga international na competition dahil ngayon ay umaangat at unti-unti na ring nakilala at nare-recognize ang produksyong Pinoy katulad na lamang ng mga pelikulang may malaking potential na makipag-compete globally!

Credit: @jerichorosalesofficial Instagram

Kung noon ay kapwa mga Pinoy lang rin ang napapabilib ni Jericho Rosales sa kanyang talento sa larangan ng pag-arte, ngayon ay nagagawa na niyang mahaplos ang puso at makakuha ng emosyon mula sa foreign audience.

Isang malaking hakbang para kay Jericho Rosales bilang isang aktor na bumida sa isang pelikula na nagta-tackle sa mga malalaki at alarming na issues at problema sa Pilipinas ngunit nagpapatunay din ito na maaari pa siyang mag-grow na matagumpay naman niyang nagawa dahil marami talaga ang bumilib sa kanyang pagganap bilang si “Bong”.

Credit: @jerichorosalesofficial Instagram

Hindi lamang isang typical at ordinaryong pelikula ang “Basurero” dahil isa itong kuwento tungkol sa isang mangingisda na siya ring breadwinner sa kanilang malaking pamilya. Dahil sa matinding kahirapan, napilitan siyang gumawa ng illeg@l na gawain upang patuloy na masuportahan ang pangangailangan ng kanyang pamilya sa araw-araw.

Dahil sa exemplary na performance ni Jericho at ng kapwa niya celebrities na gumanap din sa ibang karakter sa nasabing pelikula, ilang beses na nanalo ng awards at na-nominate sa international na film festivals ang “Basurero”. Kahit na’y mahigit dalawang taon naman ang nakalipas matapos itong ipalabas, muli na naman itong nanalo sa film fest na ginanap sa New York.

Credit: @jerichorosalesofficial Instagram

Ika-19 ng Hunyo nang ibinahagi ng opisyal na page ng “Basurero” sa Instagram ang magandang balita na kinilala ang pelikula bilang “Grand Jury Best Global Film” sa Auntyland Film Fest na ginanap sa Tribeca, New York.

Sa unang bahagi ng caption, mababasa ang: “Brava @basurerofilm team for winning the Grand Jury Best Global Film @auntylandfilmfest in Tribeca, NYC.”

Dagdag pa nito, “Many thanks 🙏🏽 to Auntyland Film Fest for this great honor and for screening our film at your fierce and poetic fest for women directors! 💋👏🏽”

Credit: @jerichorosalesofficial Instagram

Dahil sa magandang kuwento ng “Basurero” na talagang nakakapukaw ng damdamin samahan pa ng mahusay na combination ng mga artista na gumanap sa mga karakter ng pelikula, talagang matagumpay na na-recognize ito sa international na festivals.

Ysha Red

error: Content is protected !!