Philmar Alipayo, masayang ibinahagi ang ibinigay na pagkakataon na makasakay siya sa pangarap niyang sasakyan

Philmar Alipayo, masayang ibinahagi ang ibinigay na pagkakataon na makasakay siya sa pangarap niyang sasakyan

Marami ang nag-aakala na isang glamorosong bahay o hindi kaya’y bakanteng lupa ang pangarap ni Philmar Alipayo ngunit taliwas pala sa kanyang profession bilang isang surfer ang pangarap na matagal na niyang gustong makamit!

Credit: @chepoxz Instagram

Simpleng tao na may simpleng buhay, hindi kailanman inakala ng kanyang fans at followers na may mamahalin palang bagay na pangarap si Philmar kaya naman hindi naiwasan ng mga ito ang magulat nang ibinunyag niya ito sa publiko.

Kilala bilang isang professional na surfer, hindi lamang sa isla ng Siargao kung hindi sa iba pang bahagi ng bansa, sino nga ba naman ang mag-aakalang isang sasakyan pala ang pangarap ni Philmar?

Makikita sa mga vlog ng kanilang opisyal na YouTube channel na “Happy Islanders,” talagang matutunghayan ang pagiging down-to-earth ni Philmar dahil wala naman siyang tanging hiling kundi ay ang makasama ang kanyang fiancée na si Andi Eigenmann at ang kanilang mga anak kaya naman marami ang napa-wow nang nalaman ang pangarap niya para sa sarili at ito ay isang magarang sasakyan.

Hindi lamang ito isang normal na sasakyan dahil ang “dream car” ni Philmar ay isang “Jeep Wrangler Rubicon” na nagkakahalaga lang naman ng tumatagingting na higit isang milyon!

Credit: @chepoxz Instagram

Famous ang Jeep Wrangler dahil sa “exceptional road prowess” nito ayon sa opisyal na website ng nasabing sasakyan. Maliban dito, ang lakas din ng dating nito na tila ba’y nagbibigay o nagdadagdag ng angas sa kung sino man ang nagmamaneho nito. Talagang smooth!

Bagay na bagay naman ang sasakyang ito para kay Philmar dahil sa kanyang personalidad at bilang isang lalaki na talaga namang nagsusumigaw ng ka-astigan.

“Dream car Ya! pa picture only, I’m kiligers 🚗,” saad ni Philmar sa kanyang caption kalakip ng mga larawang ibinahagi niya sa kanyang Instagram account kung saan ay makikita siyang nakasakay sa kulay pulang “Rubicon Jeep”.

Credit: @chepoxz Instagram

Dinagsa naman ng mga papuri at positibong mga pahayag galing sa kanyang followers ang mismong comment section ng post.

“Super bagay!! 🔥”

“Angas 🔥”

“Rubicons best on off roading 😍”

Credit: @chepoxz Instagram

“lakasss! 🔥😍”

May mga netizens din naman na nagsabing kayang-kaya ni Philmar na mabili ang mamahaling sasakyan sa pamamagitan ng sipag at tiyaga na ginagawa naman niya noon pa man hanggang ngayon.

Credit: @chepoxz Instagram

Talagang walang imposible sa taong may pangarap at dahil sa magandang katangian at pagiging determinado ni Philmar sa lahat ng gustong makamit sa buhay, baka nga mabili niya na ito ilang buwan mula ngayon!

Ysha Red

error: Content is protected !!