Philmar Alipayo, reunited sa panganay na anak habang nasa kanilang bakasyon sa France!

Hindi talaga easy na mawalay sa piling ng isang anak ngunit kahit na’y malayo sa isa’t-isa, nagsisilbi namang constant na reminder ang communication sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga mensahe, updates o hindi kaya’y video calls ngunit kakaiba pa rin talaga kapag personal na nakikita o nakakausap ang mga ito.
Credit: @chepoxz Instagram
Hindi naman lingid sa kaalaman ng Pinoy netizens na isa ang pamilya ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na sumasailalim ngayon sa tinatawag natin ngayong “modern parenting” ngunit kahit na’y bago man para sa karamihan ang sitwasyon nilang ito, maayos pa rin naman na nagagampanan ng couple ang responsibilities nila sa kanilang anak sa dating relationships.
Sa sitwasyon ng panganay na anak ni Andi sa dating boyfriend na si Jake Ejercito, tila’y may schedule na sinusunod si Ellie dahil sa tuwinang pagbisita niya sa Siargao at Manila ngunit para sa anak ni Philmar na si Kanoa sa dati niyang partner, minsan lamang nagkikita ang mag-ama dahil kasalukuyan ngayon itong nakatira sa ibang bansa pero sa pagbabakasyon ngayon ng “Happy Islanders” sa Hendaye, France, sa wakas ay personal na rin na nagkasama si Philmar at Kanoa!
Credit: @chepoxz Instagram
Ayon kay Andi, ang Hendaye umano ang pinakaunang lugar sa kanilang bucket list. Maliban sa ginawa nilang pamamasyal at foodtrips kung saan ay kumain sila ng croissants at oysters, nagkaroon din ng reunion si Philmar at Kanoa.
Sa IG post ng professional surfer, makikitang kasama niya sa mga larawan ang kanyang chikiting na si Kanoa. Ibinahagi rin ng proud Daddy ang snaps at video ng anak kung saan ay makikitang pumipitas ito ng berry habang nasa daan sila pauwi. Maririnig din sa video na kinakausap ni Philmar sa French ang anak
Credit: @chepoxz Instagram
“Walked him home ♥️,” sulat ni Philmar sa kanyang caption.
Ngunit hindi lamang dito natatapos ang bonding ng mag-ama dahil kasama rin si Kanoa sa bonding moment ng “Happy Islanders” sa Plage d’Hendaye kung saan ay kasama niya sa paglalaro sa beach at sa pagbubuo ng sand castle si Ellie at ang kanyang mga kapatid na sina Lilo at baby Koa na makikita sa latest na post ni Andi sa kanyang Instagram account.
Credit: @chepoxz Instagram
Kahit na’y nasa bakasyon man kasama si Andi at ang kanilang mga chikiting, nagawa pa rin ni Philmar na mabisita at maka-bonding si Kanoa, isang patunay na sobrang healthy talaga ng relationship ng couple.