Photob0mber na si Dahlia Amélie sa latest na photoshoot ni Anne Curtis, kinaaliwan ng netizens!

Photob0mber na si Dahlia Amélie sa latest na photoshoot ni Anne Curtis, kinaaliwan ng netizens!

Kahit gaano man ka-professional si Anne Curtis sa ginagawa, tila’y hindi naman niya matatapatan ang cuteness at radiance na hatid ng kanyang chikiting sa latest niyang photoshoot dahilan kung bakit marami talaga ang sobrang naaliw sa cutie na photomber at scene-stealer na si Dahlia Amélie.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Kahit ano man ang theme sa kanyang photoshoot, hindi talaga tayo kailanman nabigo ng nag-iisang Anne Curtis dahil palagi lang namang “b0mbed” at “nailed it” ang reaksyon ng karamihan sa atin sa tuwing ibinibida niya ang resulta ng ginawang photoshoots dahil sa likas niyang kahusayan sa ginagawa. Kung noon ay tanging siya lamang ang main na highlight sa kanyang bawat photoshoot, mukhang may kahati na ngayon ang aktres at ito ay ang kanyang anak na si baby Dahlia!

Sa latest na photoshoot ni Anne, muli na naman siyang nakatanggap ng sandamakmak na positibong feedback mula sa netizens at karamihan sa mga ito ay papuri sa kanyang bagong hairstyle na talaga namang nag-complement sa kabuuan ng kanyang theme pero tila’y panandalian lamang ang pag-eenjoy ng aktres sa spotlight dahil kaagad lang naman itong naagaw ni baby Dahlia nang nagbahagi siya ng video sa Instagram kung saan ay mapapanood ang compilation ng mga larawan ng pagiging photobomber ng kanyang chikiting.

Kung fierce si Anne sa kanyang solo na pictures, kaagad naman siyang napangiti nang bigla na lamang na sumali si baby Dahlia sa photoshoot. Dahil sa kakulitan ng anak ni Anne, kaagad itong pinanggigilan at pinaulanan ng positibong comments ng kapwa celebrities at fans.

“Awwww Dahlia!👏,” komento ni Luis Manzano.

Credit: @annecurtissmith Instagram

“Both so pretty ❤️,” papuri naman ni Happy Ongpauco-Tiu.

Maliban sa kanila, tinatadtad din nina Laureen Uy, Paolo Ballesteros, Mark Bautista, PJ Endrinal at iba pa ng sandamakmak na heart at gigil emojis ang comment section ng mismong post ni Anne. Of course, hindi rin nagpahuli ang fans ng mag-ina dahil ipinahayag din nila ang nararamdamang panggigigil sa cuteness ni baby Dahlia.

“She’s the cutest!!!! I wanna meet her also! 😍❤️😍❤️😍❤️”

“Well, hello there litte annie! Hihi😍❤️🥰🫶🫰”

Credit: @annecurtissmith Instagram

“CUUUUUUUTE ❤️❤️”

“Dahlia, you’re the cutest! ❤️❤️❤️”

Maaga pa man para sabihin pero mukhang alam na ng karamihan na maliban sa pagkahilig ni baby Dahlia Amélie sa pagluluto at sa mga gawaing-kusina katulad ng kanyang Daddy Erwan Heussaff, tila’y namana rin niya mula sa kanyang Mommy Anne ang pagiging fashionista at interes sa photoshoots.

Tunay nga na isang perfect combination ng kanyang parents si Dahlia Amélie!

Ysha Red

error: Content is protected !!